1

2.8K 45 1
                                    



Follow nyo muna ako bago magbasa sha_sha0808



Read at your own risk....





Chapter 1

John POV

"Yaya?"

"John!" masiglang bati ni Yaya at sinalubong ako. "Ako na. Naku, bakit hindi ka nagpasabing ngayon ka darating?"

"Pasensiya na po, surprise e," nakangiting sagot ko.

"Pasok ka."

Tinulungan niya ako sa malaking maleta ko.

"Saan ka sumakay?"

"Nanghiram ako ng sasakyan sa kaibigan ko. Kasabayan ko siyang umuwi e," sagot ko at iginala sa double storey family resorts house ang mga mata. Katabi lang nito ang hotel namin.

"Mabuti at nilinis ko na kanina ang kuwarto mo. Balak ko pa naman sanang bukas pa papalitan ang kurtina at higaan mo."

"Sus, walang problema po sa akin," sagot ko at niyakap siya. "Miss you po."

"Ang nanay mo?"

"Next year pa po uuwi," sagot ko. Nandito ako para magbakasyon.

"Teka, ba't namumula ang kanang pisngi mo?" tanong niya kaya napangiwi ako.

"Allergic po," sagot ko at napasulyap sa babaeng pumasok.

"Yay–" Natigilan siya nang mapansin ako.

"Mabuti at dumating ka na, umalis na ang mga magulang mo."

"G–Ganoon ba?" alanganing wika niya at napasulyap sa akin.

"Hindi mo ba sasalubungin ang Kuya John mo?" usisa niya.

"H—Hi," nahihiyang bati niya saka napayuko.

"Hello, Maymay. Dalaga ka na ah," bati ko at matamis siyang nginitian.

"Saan ka ba allergic? Bakit pisngi mo lang ang namumula?" nag-aalalang tanong ni Yaya.

"B–Baka sa upuan lang po ng sasakyan. Hayaan mo na po, mawawala rin 'to," sagot ko at napasulyap kay Maymay na napakagat sa ibabang labi. "Medyo masakit nga po e."

"G–Gusto mo po ng ice compress, K–Kuya? Lagyan natin!"

"Huwag na," tanggi ko.

"Kukunan kita," sabi niya na nakatitig na sa akin. I saw her Instagram account, nagme-makeup tutorial siya kaya sa lahat ng lakad, naka-makeup siya. Gaya ngayon, sa isla lamg pero may makeup pa talaga.

"Huwag na, hindi na masakit," tanggi ko.

"Bahala ka!" Napasimangot siya kaya napangiti ako.

"Ano'ng gusto ninyong ulam?" tanong ni Yaya.

"Adobong pusit at hipon, please," sagot ko. Alam kong paborito rin ito ni Maymay kaya hindi siya kumontra.

"Sige, maiwan ko muna kayo. Magluluto lang ako. Mag-usap muna kayo. Ang tagal din ninyong hindi nagkita e." Tumalikod na si Yaya.

"Yaya—" Napatingin siya sa akin nang pigilan ko siya sa braso.

"Saan ka pupunta, May?"

"Tulungan ko po siya," sagot niya.

"Kaya na niya. Usap tayo."

"H—Ha?"

"Matagal na rin tayong hindi nagkita e. Kamusta ang pag-aaral?"

"Kaka-graduate ko lang."

My Childhood PrincessWhere stories live. Discover now