7

675 36 0
                                    

Chapter 7

UNEDITED

"Baba na, Yhum," sabi ni Loki Luis.

"Later." Tinatamad na sagot ng dalagang nakadungaw sa bintana ng sasakyan at nakatitig kay John na nakapamewang na nakatayo sa harapan niya.

"Ang ganda ng Dumalag, Capiz, noh? Hanggang ngayon maayos pa rin. Green environment at mas dumami pa ang mga punong-kahoy."

Lumanghap siya ng sariwang hangin at muling bumaling kay Maymay.

"Mukhang walang tao ang bahay ninyo."

Binuksan ni Mila ang pinto at bumaba saka ipinulupot ang mga kamay sa kanang braso ni John. Ginulo ng binata ang buhok niya kaya napasimangot siya.

"Yummy naman!" saway ng dalaga.

"Wow, yummy na ngayon ha."

"Bakit? 'Di ba, iyon ang gusto mo?"

"Pero kapag mag- ML, Kuya tawag mo," natatawang sabi ni John.

"Hindi a!"

"Hmm? Kuya kaya."

"Ewan ko!" Binitiwan niya ang braso ni John nang makita si Marie na may bitbit na balde.

"Yaya Marie!" tawag niya sa nag-alaga sa kaniya habang kumakaway.

"Maymay!" tili ni Marie at patakbong lumapit sa dalaga. "Naku, ang ganda talaga ng alaga ko. Hindi ka man lang nag-text." Napasulyap si Marie kay John. "Hala, John? Ikaw na ba 'yan?"

"Opo, Yaya Marie," magalang na sagot ng binata.

"Naku, ang guwapo mo na at ang tangkad pa. Kumusta ka na? Kailan ka umuwi?" nakatingalang tanong niya sa matangkad na binata.

"Noong isang araw lang po. Ay, wait . . . " Binuksan niya ang backseat at kinuha ang backpack saka kinuha ang dalang chocolates. "Para ho sa 'yo at sa mga anak mo."

"Wow, sarap naman nito," sabi ni Marie. "Magugustuhan 'to ng mga anak ko."

"Ate Marie, dito pala kami matulog, ha."

"Ha? Naku, hindi ako nakapagluto."

"Naku, okay lang ho. May baon kaming pagkain," wika ni John. "Initin na lang namin. Babalik din kami bukas ng hapon."

"Ganun ba? Pero may lakad ako bukas. Ang anak ko na lang ang padiligin ko ng mga bulaklak at halaman."

"Huwag na ho, kami na ni John. Bago kami aalis bukas ng hapon, didiligan ko na po," sabi ni Mila at napatingin sa malawak na hardin nilang napupuno ng iba't ibang halaman na dine-deliver sa buong Panay.

"Talaga? Nakakahiya naman."

"Okay lang po, don't worry. Na-miss ko rin kasing mag-alaga ng maraming halaman," nakangiting sabi niya.

"Sure kayo ha."

"Opo," sagot ni John.

"Hmm? Huwag ninyong sabihin na magkasintahan na kayo?"

"H–Ha? Ah, eh—" Mila.

"Yes po," sagot ni John at inakbayan ang dalaga. "Kami na po."

Namilog ang mga mata ni Marie. "Wow! Sabi ko na nga ba, gusto na ninyo ang isa't isa noon pa e!" masayang sabi ni Marie.

"Ako lang po ang may gusto sa kaniya," natatawang wika ng binata.

"Kailan ang kasal? Naku, dapat invited kami ha. Pasarado natin ang buong Dumalag!" excited na tanong niya kaya natawa si John.

My Childhood Princessحيث تعيش القصص. اكتشف الآن