5

577 17 0
                                    

Chapter 5

Unedited....

Masakit ang buong katawan ni Maymay nang magmulat ang mga mata.

"Aw," daing niya at bumangon pero agad na napatakip ng kumot sa katawan at muling nahiga nang mapansin ang hubad na katawan at mabigat na paa na nakadantay sa mga binti niya.

"Hmm?"

Nanlaki ang mga mata niya nang yakapin siya ni John ay isiniksik ang mukha nito sa kaliwang balikat niya.

Napakagat siya sa ibabang labi. Oo nga pala, nag-ML na sila kagabi.

"Oh my ghad!" bulalas niya at tumayo saka isa-isang pinulot ang mga damit sa sahig. "Patay ako. Patay ako kay Papa!" Natarantang wika niya habang hindi magkandaugaga sa pagsuot ng damit.

"And where do you think you are going, Sweetheart?" tanong ni John kaya in a slow motion, napaharap siya sa binatang gising na at nakatingin sa ginagawa niya.

"K—Kuya, kasi . . . may gagawin pa pala ako," sabi niya at napasulyap sa maninipis nitong malahibo sa dibdib. Nakakaano ang mukha nito lalo na't exposed ang dibdib tapos ang nipis pa ng puting kumot kaya naaninag pa rin niya ang malaking alaga nitong mukhang half-awake na.

"Mamaya ka na lumabas, sabay na tayo. Halika muna rito, May," nakangiting sabi ni John.

"N—Nagugutom na ako," nahihiyang pagdadahilan niya na kulang na lang ay iuntog ang ulo dahil sa naging kahinaan kagabi.

"Ba't ba bumigay ka kaagad, Mila! Ang tanga mo!" paninisi niya sa sarili.

"Sige, kakain na tayo," pagsuko ng binata na hindi pa nagsasawang yakapin ang dalaga at inaantok pa talaga siya. Bumangon siya dahil hindi na rin naman siya makakatulog pang muli. Gising na ang alaga niya e.

"Kyah!" Tili ni Maymay at napatakip sa mga mata sabay talikod nang tumayo si John.
"Magbihis ka nga—" Naramdaman niya ang pagyakap ni John sa bewang niya mula sa likuran. Parang may nakatutok pa na batuta sa bandang puwet niya.

"Thank you kagabi, May," bulong ni John na malapit sa leeg ni Maymay ang mga bibig.

"K—Kuya, mali ito," nauutal na wika ng dalaga. "H—Hindi natin dapat na ginawa iyon."

"Nagsisisi ka ba?" he asked and licked her neck.

Napapikit si Maymay dahil nanayo ang balahibo niya sa ginawa ng kababata tapos pinapasok nito ang mga kamay sa blusa niya.

"K—Kuya," naiilang na sabi niya. Pareho silang napatingin sa pinto nang may kumatok.

"John?" tawag ni Yaya Melinda nila kaya mabilis na nagkahiwalay ang dalawa. Dinampot ni John ang mga damit at tinapon sa laundry basket. Naghanap naman ng matataguan ang dalaga.

"Papasok ako ha!" sabi ni Melinda kaya napatakbo si Maymay sa malaking closet ng binata at nagtago.

"Wait!" sagot ni John at agad na hinablot ang tuwalya sa laundry bag saka itinapis sa bewang niya. Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Melinda.

"Gising ka na pala," sabi ni Melinda saka inilapag ang mga tinuping damit sa kama ni John pati duplicate ng susi. "Akala ko tulog ka pa. Ang aga mo naman yatang magising ngayon?" Sanay na siyang kapag hindi sumagot ang binata, pumapasok siya dahil malamang tulog pa ito.

"H-Huh? Gusto ko lang pong maglakad-lakad sa labas," sagot niya at ininat-inat ang mga kamay. "Exercise po. Nakaka-miss maglakad sa dagat tuwing umaga."

"Maganda nga 'yon. Kumusta ang kaibigan mo?"

"Okay na po, nagpapahinga siya," sagot ni John. "May antibiotic at pain killer naman pong gamot si Beatrice."

My Childhood PrincessWhere stories live. Discover now