11

579 32 0
                                    

Chapter 11

Unedited...

"Mama, nakakainis kaya si Papa!"

"Bakit ba? E kung wala naman kayong gagawin bakit ka magagalit?"

"Mama, siyempre ang lamig kaya sa labas tapos doon siya mahiga! Umuulan pa. Paano kung nagkasakit siya?" Naiinis siya sa ginawa ng ama pero mas nangibabaw ang awa rito.

"Okay na rin naman siya."

"Hindi ka nag-alala?"

"Ilang beses ko siyang niyaya pero ayaw niya. Ne wala nga siyang pakialam kahit yayain ko siyang mag-ML," sabi ni Mira.

"Hmm. Isip bata talaga siya!"

"Masyado ka kasing mahigpit sa kaniya noon kaya ayan, bumabawi siya," sabi ni Mira.

"Pero matanda na po ako."

"Unawain mo na lang ang ama mo, hindi 'yan sanay na wala may iba ka nang pinagkakaabalahan."

Umalis na si John kanina pa matapos nilang mag-breakfast kaya tinawagan ito ni Maymay.

"Dito ka muna, puntahan ko lang ang papa mo," paalam ni Maymay.

"Diyan ka na ba sa office?" tanong niya nang sagutin ng kasintahan.

"Yes. Yhum? Okay lang ba si Tito Grey?" nag-aalalang tanong din ni John. Kahit na hindi siya nakaiskor kagabi, ayos lang. Pero sana hindi nagkasakit ang ama ng kasintahan.

"Sa awa ni Lord, hindi naman nagkasakit," sagot ni Maymay. "Text mo 'ko kapag kakain ka na ha. Sleep muna ako," paalam niya dahil kulang sa tulog.

Umakyat siya sa kuwarto at natulog muna. Nagising lang siya nang tawagin ng katulong para kumain.

"Pakisabing susunod na," sabi niya saka kinuha ang fluffy pink slipper saka lumabas. Itinali niya ang buhok habang bumababa.

"Kain na," yaya ni Grey.

"Akala ko may lakad ka, Dad."

"Hindi na ako pumasok," sagot ni Grey. "Magbihis ka nga after nito, alis tayo."

"Saan tayo pupunta?"

"Mall," sagot ng ama. "Ang tagal mo nang hindi nakapag-shopping e."

"Waah! Talaga, Pa? Yehey!"

"Huwag kang sumigaw at maghugas ka muna bago kumain."

Tumayo si Maymay at naghugas ng kamay. "Hindi ba uuwi si Green?"

"Alas sais pa matapos ang klass niya. Kayo lang munang mag-ina ang ide-date ko," sabi ni Grey kaya napangiti si Maymay.

"Magagalit ang lokong 'yon," ani Maymay.

"Eh 'di huwag ninyong sabihin. Isa pa, nakakupit na 'yon sa akin kanina," reklamo ni Grey.

"Baka may girlfriend na si Green," sabi ni Mira.

"Nagbibinata e. Hayaan n'yo na," sabi ni Grey.

"Wow, Pa? Okay lang sa 'yo samantalang sa akin, hindi?"

"Babae ka!" salubong ang kilay na sabi ni Grey. "Isa pa, panganay ka."

"Hala, kapag panganay, bawal magjowa pero kapag bunso, okay lang?" bulalas ni Maymay.

"Babae ka."

"Grabe ka, Pa!" Hindi makapaniwalang sabi niya. "Kaloka! Nasa tamang edad na ako."

"Siyempre nag-iingat na lang ako. Sa panahon ngayon, hindi ka na makakatagpo ng lalaking seseryoso sa 'yo!"

My Childhood PrincessWhere stories live. Discover now