2

816 43 0
                                    


Chapter 2

Unedited...

"May?" tawag niya nang umahon at naglakad palapit sa akin. Oh my, ang abs ni Kuya, nakakasilaw kahit na palubog na ang araw. "Are you sure na hindi ka maliligo?"

"Yes po," sagot ko at pasimpleng iginala ang mga mata sa palibot. Sabi na eh, marami ang nakatingin sa kaniya. Agaw-pansin dahil ang tangkad niya tapos ang ganda pa ng katawan: Broad shoulders, six pack abs, at matipunong dibdib. Isa pa, ang puti niya kesa sa karaniwang lalaki na nandito sa paligid.

Naupo siya sa tabi ko at nilagyan oa ng buhangin ang mga paa kong inilibing ko sa buhangin. Tapos ang mga kamay ko ay nakatukod sa bandang likuran ko habang nakatingala sa napakagandang sunset.

"Masarap maligo, May."

"Ikaw na lang po, Kuya."

Inilagay niya sa buhanging nasa ibabaw ng mga paa ko ang hawak na star fish.

"Hala, buhay pa siya," sabi ko.

"Oo, buhay pa siya," sagot niya na nakatitig sa mukha ko. "Ang tagal nating hindi nagkita, Mila, no? Kamusta ang buhay sa panahong magkahiwalay tayo?"

"O—Okay naman po," sagot ko at iniwas ang tingin.

"Natutuwa ako at kaya mo nang ipagtanggol ang sarili mo," masayang sabi niya. Nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatitig pa rin siya sa akin.

"I—Ikaw, Kuya? Kumusta naman po ang buhay mo sa ibang bansa?"

"Ayun, mahirap," sagot niya t napabuntonghininga. "Working-student ako. Naghuhugas ng plato sa isang restaurant habang nag-aaral. Sa awa ng Diyos, na-discover ako ng isang clothing company at kinuhang model kaya medyo malaki na ang income. Nakilala rin ako ng iba pa at kinuhang ramp model. Nakatapos ako sa pag-aaral hanggang sa nalugi ang company kaya sa kaunting ipon ko, nabili ko ang clothing company at kahit papano, paunti-unti nang nakabangon," pagkukuwento niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Wow, model ka, Kuya?" manghang sabi ko. Sa hulma ng katawan nito, bagay nga siyang maging model.

Napangiwi siya.

"O—Oo, pero ang una ko talagang minodelan ay underwear," nahihiya niyang sabi kaya natawa ako. "Sige, pagtawanan mo pa ako."

"Okay lang 'yon, Kuya. Natawa lang ako kaso ano—eh? Wala. Hindi kasi ako sanay na alam mo na."

Tumango siya. "Pero ang company na 'yon, hindi lang underwear ang minufacture."

Kung nabili na niya, ibig sabihin siya na ang may-ari no'n.

"Wow, congrats talaga, Kuya. At least successful ka na. Nakaka-proud po. Di ba sabi mo dati, yayaman ka rin at magkakaroon ng sariling kompanya?" Proud na tanong ko.

"Naalala mo pa pala 'yon," pabulong na wika niya kaya napangiti ako.

"Oo naman po," sagot ko. "Ngayon, nakamit mo na."

Napansin kong nalungkot ang mga mata niya.

"Oo nga e. Mabuti na lang."

Kaunti lang ang naalala ko noong bata pa kami. Siguro ang mahahalagang bagay lang. Basta ang alam ko, kalaro ko lang siya at siya ang tigapagtanggol ko sa mga batang nang-aaway sa akin.

"Tara na, ligo na tayo." Tumayo siya.

"Ikaw na lang—kyah! Kuya!" Tili ko nang buhatin niya ako kaya nagsilaglagan ang buhangin sa katawan ko.

"Paliguan kita, May!" natatawang sabi niya habang patakbo sa dagat at buhat ako na parang bagong kasal.

Nagpupumiglas ako pero dahil ang laki ng katawan niya at may kapayatan ako, nagmumukha akong posporo sa kaniya.

My Childhood PrincessWhere stories live. Discover now