12

674 35 1
                                    


Chapter 12

Unedited....

"Kamusta?" Humahangos na tanong ni Blue kasunod sina Black at Sky.

"Hindi ko pa alam ang resulta, Dad!" sagot ni Grey at napatingin kay John na kanina pa pabalik-balik sa loob ng kuwarto ni Maymay.

"Nahimatay ka, May?" nag-aalalang tanong ni Sky sa apo.

"H—Hindi naman po," sagot ni Maymay. "Nahihilo lang."

"Naku!" Bulalas ni Sky at tinuro ang dalagang nakahiga sa kama saka tumingin kay Grey. "Sinasabi ko na talaga, buntis si Maymay!"

Parehong napatingin sina Blue at Black para sawayin si Sky na malakas tumawa at lumapit kay Grey.

"Congrats, Grey! Magiging lolo ka na. Akalain mo 'yon, marami na kaming apo sa tuhod. Tatagal pa ang buhay ni Daddy Skyler," sabi ni Sky at kinuha ang kamay ng apo saka kinumusta.

Napayuko na lang sina Blue at Black dahil namumula na naman sa galit ang mukha ni Grey. Wala pa naman si Mira dahil dumalo sa PTA meeting nina Gold kaya walang nagco-control kay Grey.

"May? May gusto ka bang kainin?" nag-aalalang tanong ni John at hinawakan sa kanang kamay ang kasintahan.

Umiling si Maymay. "P—Paano kung buntis nga ako?"

Ngumiti si John. "Okay lang, pananagutan kita, Yummy."

"N—Natatakot ako," bulong ni Maymay. "I—Itakas mo na ako, b—baka patayin ako ni Papa."

"Hush, nandito ako, May."

"Tatanungin ko ulit kayo, may nangyari na sa inyo o wala?" galit na tanong ni Grey kaya napatingala si Maymay kay John na humihingi ng saklolo. Ilang sandali na lang ay malalaman na nila ang result.

"Hayaan mo na," saway ni Blue.

"Ano?" Sinipa ni Grey ang upuan sa gilid kaya tumilapon sa pintuan. "Ayaw na ninyong sumagot?"

"Panindigan ko po si Maymay," buo ang loob na sagot ni John.

"Punyeta! Sagutin ninyo ako! May nangyari ba sa inyo?"

"Tama na, Grey!" madiing saway ni Blue sa anak. "Masyadong personal na 'yan. Hintayin na lang natin ang result ng blood test para makapag-decide tayo."

"Nyeta! Niloko nila ako, Dad! Kinausap ko sila nang maayos bago tayo bumalik dito! Wala raw! Wala talaga!" galit na sabi niya.

Lahat sila ay napatingin sa doktorang pumasok.

"Heto na ang result," sabi ng babaeng doctor.

"Ano ho, Doc?" tanong ni Grey.

"K—Kuya, natatakot ako," naiiyak na sabi ni Maymay at napahigpit ang hawak sa kamay ng kasintahan. Nanlalamig ang buo niyang katawan habang hinihintay ang sagot ng doktorang binubuksan at binabasa ang papel.

"She's three weeks pregnant," sagot ng doctor.

"Yes/Yes/Yes!" sabay na bulalas nina Sky, Blue at Black pero agad na natahimik nang lingunin sila ni Grey.

Ipinaliwanag ng doctor ang lahat kina Maymay at John bago lumabas.

Nang maisara ang pinto, dinampot ni Grey ang upuan at lumapit kay John.

"Papa!" sigaw ni Maymay at napabangon. Agad namang pinigilan nina Blue at Sky si Grey.

"Bitiwan ninyo ako at papatayin ko 'yang gagong 'yan!" sigaw ni Grey na nagpupumiglas dahil nabitiwan na niya ang upuan.

"Kalma lang," sabi ni Blue. "Nandiyan na 'yan!"

Tinulak nila si Grey pero hinarangan ang daan para hindi makalusot patungo kay John.

My Childhood PrincessWhere stories live. Discover now