10

588 32 3
                                    

Chapter 10

Unedited...

"Magandang gabi ho," magalang na bati ni John na may bitbit na coke float at burger para kay Maymay.

"Alas nuwebe na," sabi ni Grey.

"Pasensiya na po, busy lang sa trabaho," paumanhin niya. Nag-overtime siya dahil nakipag-online meeting sa mga empleyado sa US.

"Busy? Hindi naman ako ginagabi sa opisina ko a!" nagdududang sabi ni Grey. "Niloloko mo ba ang anak ko?"

"Hindi. May online meeting lang po kami dahil may weekly meeting talaga kami sa US kaso nandito ako," pagpaliwanag niya.

"Pasok ka, hijo. Tamang-tama, kakaluto lang ng ulam namin," sabi ni Mira.

"Huwag na—"

"Yummy naman, hindi ako papayag na uuwi kang hindi makakain. Alam kong wala ka pang naluto sa bahay ninyo at pagod ka na," sabi ni Maymay.

"May twenty four seven na Mcdo o seven eleven," sabat ni Grey.

"Daddy naman, dito na kakain si John," nakasimangot na sabi ni Mira.

"May bahay naman siya a!" prangkang sabi ni Grey.

"Kain ka na, John," yaya ni Mira saka hinila ang binata patungo sa dining room.

"Honey, nagiging taksil ka na!"

"Papa, tanggapin mo na kasi si John," paglalambing ni Maymay at ipinulupot ang mga kamay sa braso ng ama. "Sige ka, baka maghiwalay kami tapos mapupunta ako sa manloloko."

"Huwag mo nga akong utuin, Maymay!" sabi ni Grey na salubong ang kilay. Pagpasok nila sa dining room, naupo siya sa tabi ng asawa at sa harapan naman nila ang magkasintahan. Ang isa nilang anak ay kina Sky natulog dahil doon na naabutan ng gabi kasama ang iba pa nilang pinsan.

"Kain ka, huwag kang mahiya," sabi ni Maymay saka nilagyan ng ulam ang plato ni John.

"Ako ba, Yhum," sabi ni John saka kinuha ang mangkok at siya na mismo naglagay ng lechon kawali sa plato at sa plato ni Maymay.

Walang imik na kumain sila. Medyo naiilang lang si John dahil panay ang sulyap ni Grey sa kaniya.

Naramdaman niya ang kamay ni Maymay na humawak sa kamay niyang nasa lap niya.

"Kumain ka lang," sabi ni Maymay at inilipat ang kutsara sa kaliwang kamay para holdinghands sila ng kasintahan.

Napansin niyang iniangat ng ama ang mantel at sumilip sa ilalim ng mesa kaya mabilis na hinila niya ang kamay at pasimpleng napakamot sa batok.

"Anong sinisilip mo riyan?" tanong ni Mira.

"Daga,"sagot ni Grey. "Baka kasi may daga."

Napailing si John. Hirap makalusot kay Grey dahil kabisado na nito ang ganitong galawan.

"Dad? Magtatrabaho na po ako, ha."

"Bakit? Pagod ka na ba rito sa bahay?"

"Medyo."

"Kaya naman kitang buhayin kaya huwag muna. Mag-enjoy ka muna. Kung gusto mo mag-shopping, go lang," sabi ni Grey.

"Siyempre graduate na po ako kaya kailangan ko nang magtrabaho."

"Nextime," sagot ni Grey na ikinasimangot ng dalaga.

"Ang ibang ama, gusto na nilang magtrabaho kaagad ang anak nila pero ikaw, ayaw mo pa akong magtrabaho."

"Yaan mo ang ibang ama, ako ang ama mo."

"Gusto ko nang magtrabaho, Papa. Gusto kong matutong tumayo sa sarili kong mga paa. Paano kapag mawala na kayo ni Mama?"

My Childhood PrincessWhere stories live. Discover now