3

666 41 1
                                    


Chapter 3

UNEDITED

Kakagising lang ni Mila. Naligo muna siya at nagsuot ng maong shorts at black sleeveless. Naglagay siya ng kaunting makeup at dumungaw siya sa bintanang nakarapa sa karagatan at lumanghap ng sariwang hangin. Another day, another life. Iyon lang, sapat na para magpasalamat siya sa Panginoon.

Kinuha niya ang cellphone at tumawag sa ina.

"Good morning, Ma. Si Papa?" tanong niya.

"Sa labas, nag-jogging."

"Di kayo magkasama?"

"Pagod ako."

"Ginawa niya sa 'yo kagabi? Naglaro na naman kayo, noh?" nakangiting tanong niya.

"Tigilan mo nga ako, Maymay!"

"Ayieee. Si Mommy oh. Kala mo 'di ko alam ang code ninyo, ha?" tukso niya.

"A-Ano'ng code?" basag na tanong ni Mira sa kabilang linya.

"ML," sagot ni Maymay.

"Hoy, ano'ng pinagsasabi mong bata ka, ha?"

"Psh! Ma naman, walang ML game si Papa sa cellphone niya noh."

"Meron!"

"Wala po! Tiningnan ko kaya," giit niya. "Okay lang 'yon, Ma. Sige po, ready ka na para pagbalik ni Papa, laro na naman kayo ng ML. Ayieeee."

"Heh! Tumahimik ka nga. Umuwi ka na nga!"

"Ayaw ko nga. Ma? Nandito si Kuya John."

"E di mabuti at may kasama ka riyan."

"Oo nga po e. Sige po, breakfast lang me," paalam niya saka tinapos na ang tawag at lumabas.

Pababa na siya ng hagdan nang marinig ang malakas na tawa ng isang babae. Nakita niya si John nagkakape sa veranda kasama ang isang babae.

"Uy, May, halika," tawag ni John nang mapalingon.

"M-Morning," alanganing bati ng dalaga saka napasulyap sa babaeng maputi at naka-summer dress at nasa ulo nito ang sunglass.

"Mabuti at gising ka na. Si Beatrice pala, kaibigan ko sa US. Bea, si Mila pala, kababata ko."

"Oh, hello," bati ni Beatrice at tumayo saka nakipagbeso-beso kay Maymay. "Ikaw pala si Mila, ang ganda mo sa personal."

"K-Kilala mo 'ko?" tanong ni Maymay at naupo sa harapan ng dalawa.

"Oo naman, follower mo ako sa Instagram. Sayang nga at tumigil ka sa pag-aartista. Pero sa 'yo ako natutong magkilay at maglagay ng eyeliner. Kalat kasi akong gumuhit lalo na kapag liquid eyeliner ang gamit ko," masayang sabi nito.

"Ano ba ang gusto mo, May? May sandwich na dito. Gusto mo ng gatas, cofee, tea?" tanong ni John.

"Sandwich na lang at tubig," sagot ni Maymay at kinuha ang isang 500mL mineral water.

"Alam mo, John, mas okay kapag mag-open ka ng maliit na boutique dito sa 'Pinas. Mag-start ka muna rito sa Roxas," suhestiyon ni Beatrice.

"Medyo alanganin pa e. Kung sa Maynila, puwede pa."

Napatingin si Mila sa kamay ni Beatrice nang hawakan nito at pinisil ang kamay ni John.

"Dito lang ako, susuportahan kita. Kaya mo 'yan, John." Ngumiti si Beatrice sa binata.

Kinuha ni Maymay ang isang sandwich at sinimulang kainin.

"Thank you, Bea. Alam ko namang nandiyan ka para sa akin."

My Childhood PrincessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora