6

672 40 0
                                    

Chapter 6

Unedited...

"Good morning," bati ni John kina Yaya at Beatrice.

"Morning. Kain na kayo," sabi ni Yaya at kunwari ay wala siyang nakita kanina para hindi mailang ang dalawa. Isang oras pa bago bumaba ang mga ito kaya nakapagluto pa siya ng sinabawang isda. Dapat puro dried fish kaso mukhang kailangan yata ng sabaw ng mga alaga niya lalo na ni John.

"Ayaw ko na, masakit na ang paa ko," naiiyak na sabi ni Beatrice.

"Inom ka ng pain reliever," sabi ni John at pinaupo si Mila tapos naupo na rin.

"Nainom ko na. Malas ko naman oh!" reklamo ni Beatrice at tinawagan ang kasintahan. "Oh? Where are you na? What? Passi City? My ghad! I told you na maaga ka pa umalis! Kapag hindi ka pa dumating after two hours, break na tay—huwag mo akong hamunin, Nicolo!"

Tinapos niya ang tawag at naiinis na kumuha ng kanin.

"Huwag mo ngang sigaw-sigawan si Nico," saway ni John. Pareho niyang kaibigan ang dalawa. Mas nauna lang niyang nakilala si Beatrice at siya ang nagpakilala nito kay Nicolo.

"At bakit? May babae talaga siya! Naku, 'pag mahuli ko ang mokong na 'yon, puputulan ko talaga siya!" gigil na sabi niya. "Di ba, Mila? Kapag hindi makapunta agad, may iba siyang kinakalantari?"

"Oo," pagsang-ayon ni Mila na tila lumilipad pa ang utak nito.
"Oh? Ba't parang naubos ang lakas mo?" nakangising tanong ni Beatrice. "Nasobrahan ba sa tulog?"

Napakunot ang noo ni John habang nakatingin kay Beatrice sa harapan nila pero inirapan siya ng dalaga.

"Masarap po ang tinola," sabi ni Beatrice at tinulak ang mangkok kay John. "Sabaw, Friend. Hirap na matuyuan—aw!" Malakas na sinipa siya ni John kaya sumimangot siya. "I need more protein kaya makakarami ako nitong ulam na fish and fresh gulay. Kailangan gumaling kaagad 'tong sugat ko." Pag-iiba niya at pinandilatan si John. "Ikaw, May, kain ka nang marami. Kailangan mo ng resistensiya kasi sisisid ka na naman mamaya sa dagat."

"Tumahimik ka na nga! Kumain ka na lang diyan," saway ng binata at napasulyap kay Maymay na balewala lang naman ang sinabi ni Beatrice. Ano kaya ang iniisip nito?

"Hay, bakit? Nakaadik kaya ang mag-swimming," depensa ni Beatrice at nginisihan si John para asarin.

Pinili ng binatang huwag nang patulan ang kaibigan. Pasalamat siya dahil mukhang wala namang pakialam si Maymay.

"Are you okay?" bulong niya kaya napatingin si Maymay.

"H—Ha?" Natauhan siya nang marinig ang boses ni John. Lutang siya. Lumilipad ang utak niya at hindi naa-absorb ang pinagsasabi ng kaharap. "Hindi ka na virgin."
Iyon ang pabalik-balik na sigaw ng utak niya. Grabe, pati utak niya mapanghusga na rin.

"Gusto mo ng ginamos na may itlog?" alok ng binata.

"S—Sige." Kain lang siya nang kain.

Nang matapos na sila, nagpaalam si Maymay na lumabas muna para magpahangin dahil naguguluhan siya kahit na okay naman ang usapan nila ni John kanina.

"Ano ba ang pinagsasabi mo?" naiinis na tanong ni John kay Beatrice na panay ang tingin sa cellphone.

"Bakit?" inosenteng tanong niya na hindi pa rin nakatingin sa binata.

"Alam mo ang ibig kong sabihin, Bea!" nakapamewang na sabi ni John habang nakatayo sa harapan ng kaibigan.

"Ang ingay n'yo kagabi. Tingin n'yo sa kuwarto, sound proof?" tanong ni Beatrice kaya natigilan si John. Maingay ba sila? Okay, napa-ungol nga sila pero malakas ba?

My Childhood PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon