4

739 41 1
                                    

Chapter 4

Unedited...

"Morning," bati ni John kay Maymay na kakababa lang ng hagdan.

"Morning."

"Coffee?" Itinaas niya ang bitbit na kape.

"Sige lang, Kuya," sagot niya.

"Kumusta na pala sa Dumalag?"

"Okay naman po," sagot ng dalaga na hindi makatingin ng diretso sa binata.

"Hmm? Gala tayo sa inyo. Miss ko na ang flower garden ni Tita Mira," sabi ni John.

"Kailan mo po balak?" Tinali niya ang buhok.

"Bukas?" Patanong na sagot ni John at pinagmasdan ang dalagang naiinis sa buhok dahil nahihirapang itali kaya inilugay na lang ang buhok at nilagay sa kamay ang pantali.

"S—Sasama ba si Beatrice?" tanong ni Maymay saka napasimangot.

Ngumiti si John."Hindi na, tayo na lang."

"Baka sasama siya."

"Hindi na. Sabihin kong mahalaga lang at babalik din tayo agad," sagot ni John saka humigop ng bitbit na kape.

"Sure, Kuha ha."

Tumango si John. "Sa veranda lang ako, magpapahangin."

"Sige po. Hahanap ako ng makakain sa kusina," sabi ni Maymay at tumungo na sa kusina.

"Good morning," bati ni Beatrice na bumaba at pumasok sa kusina para magtimpla ng kape.

"Morning," bati ni Maymay at napasulyap sa suot nitong nakapekpek shorts at fit black spaghettie blouse. Nanlumo siya. Ang ganda ng katawan nito pero siya, ang payat.

"So? Kababata ka ni John," ani Beatrice.

"Oo. Ikaw? Paano kayo nagkakilala?" usisa niya.

"Kaklase ko siya sa US."

"Ah, g—girlfriend ka ba niya?" kinalabahang tanong niya.

"Hmm? Crush ko lang pero ang kaibigan ko ang bet niya kaya ayun, sumuko ako at naging friends na kami," sagot ni Beatrice.

"K—Kaibigan mo ang girlfriend niya?"

"Ex," pagtatama ni Beatrice. "Alam mo naman ang ibang babae sa ibang bansa, masyadong liberated. Iniwan niya si John dahil well—wala lang. Bata pa kasi sila noon," pagkukuwento nito habang nagtitimpla ng kape.

"M—Marami bang naging girlfriend si Kuya?"

"Ba't 'di mo tanungin?" sagot ni Beatrice saka inginuso si John sa likuran niya.

"Ako na naman ang topic ninyo?" natatawang sabi ni John.

"Naikuwento ko lang ang mga girlfriend mo," natatawang sabi ni Beatrice.

"Pinapahamak mo na naman ako e."

"Bakit? Totoo naman ah," depensa ni Beatrice.

Napahigpit ang pagkayakap ni Maymay sa kutsaritang hawak. Marami na palang girlfriend si John. Ibig sabihin, marami na rin itong nahalikan?

"Wala nga e. Tiyaka ex na sila."

"See? Inamin mo rin. Sila. Ibig sabihin, marami. Come on, Fuckboy!" pang-aasar ni Beatrice.

"Damn! Bibig mo!" saway ni John.

"Oh, nahuli kaya kita. Last girlfriend mo, ginawa ninyo sa bathroom."

"Bea—"

"Oh? Don't deny it, Loverboy! I saw you, remember?" Iihi sana siya pero 'di niya akalaing pagbukas niya ay nandoon sina John at girlfriend nito.

My Childhood PrincessWhere stories live. Discover now