//
87-85.
Pabor sa kabilang koponan.
Kabadong-kabado ang lahat sa natitirang limang segundo. Mukhang wala ang suwerte sa kanila nang nasa kalaban na ang bola. Parang maiiyak na ang ibang manonood roon at may umangal pa na mas masakit pa iyon sa uugod-ugod na WiFi habang nags-send ng thesis na mukhang lalagpas sa deadline.
Sa gilid ng mga mata ni Miles, napapasuntok sa hangin si Attwell at napapangisi animo'y inaabangan ang pagbagsak ng koponan.
Traydor, isip-isip ni Miles.
He heard Atwell groaned as he smirked upon seeing Theo grabbed the ball from his opponent. Tumahimik saglit sa paligid, pigil ang hiningang inaabang kung ano ang susunod na mangyayari. His grip on his bottled water tightened as he chewed his inner cheek in anticipation.
Two.
Tatlo ang nakabantay kay Theo. Napapamura na si Attwell sa gilid niya habang siya'y kulang na lang pukpukin ang binti niya sa pag-aabang kung ano gagawin ni Theo ngayong corner na corner ito.
"Tangina! I-shoot mo na!" Saglit na nagulat si Miles nang marinig ang napakalakas na sigaw na iyon mula sa isang babae.
Theo jumped and threw the ball even if he's half-court away from the basketball ring.
One.
Lahat ng mga tao ay napatingin sa direksiyon ng bola habang umalingawngaw ang buzzer sa court. Umabot sa ring ang bola at samu't saring singhapan ang maririnig.
Hanggang sa—
Pumasok sa ring ang bola.
87-88.
Sigawan ang lahat ng tao sa court. Panalo ang Dayton Crest basketball team. Pasok sila sa Finals. After two years, nakapasok ang koponan sa Finals.
Tumakbo ang lahat ng members ng Dayton Crest basketball team kay Theo. Halos mapunit ang suot nitong jersey sa paghila sa kanya ng mga teammates niya.
Umuulan na ng confetti sa buong court kasabay nang tilian, sigawan at pagtatalon-talon ng mga schoolmates nila. Kasama na roon ang paglamon ng sigaw ni Attwell na iba sa lahat dahil ito lang ang nanlulumo. Napapasuntok naman si Miles sa hangin, hindi lang ang pagkapanalo ng koponan ni Theo ang ikinaligaya niya kundi maging ang pagkapanalo niya sa pustahan.
Inilahad niya ang palad niya kay Attwell na ngayo'y tinaliman lang siya ng tingin. Nagtagis ang mga ngipin niya at ngumisi dito. There's a wicked glint in his eyes.
"Pay up, bitch," pabirong sabi niya rito sabay galaw sa mga daliri niya.
Attwell just grunted and slumped his shoulders. Ngunguto-nguto itong humugot ng iilang libong papel sa bulsa nito at marahas na pinatong sa palad niyang awtomatikong ikinuyom ang pera.
'Ah, victory,' bulong niya sa sarili.
///
Ginanap ang victory party sa isang bar, di kalayuan sa Dayton Crest University kung saan nagkakasiyahan na ang team maging ang mga schoolmates nilang nagsipagdiwang sa pagkapanalo ng mga ito.
The blaring music from a band reverberated as the neon lights roaming and reflecting the crowd's faces. Clanking of glasses, chaste laughs and smiles, grinding bodies were everywhere filling the bar.
Panay ang lagok ni Miles ng alak nang makatanggap ng mensahe mula sa kapatid niya at ganoon pa rin ang balita. Mukhang hindi muna siya uuwi sa bahay nila kung magulo pa rin ang sitwasyon ng pamilya niya. He sarcastically smirked to himself. Habang abala siya sa paglunod sa sarili niya sa alak ay nasa bandang unahan naman si Attwell, sumasabay sa headbang ng ibang mga rock listeners doon bitbit ang isang baso na may lamang alak. Sa kabilang banda, si Theo naman ay abala sa pakikipaghuntahan at tawanan kasama ang ibang team members. Miles absentmindedly brushed his brocolli-like hair.

YOU ARE READING
POS 1: Miles, Track and Field Hottie
General FictionIn order to reach the finish line, there are obstacles and uneven roads to pass through. It wasn't that easy to succeed. A couple of trainings. Tons of frustrations and failures. Several detours and circumstances. Running has been Miles' refuge for...