Sprint: Nine

2 1 0
                                    

//

He became a racemonger.

Sumasali siya sa kahit anong running events to build up his stamina. He's getting serious when the POS board announced that Theo is included in the list now. Tinulungan nga niya ito maglipat ng mga gamit nito sa POS House. Ngunit paminsan-minsan, bumibisita ito sa dorm nila kapag niyayaya niyang kumain. Mistula na siyang nutritionist rito dahil niluluto niya ang gusto nito. Maging si Ainsley ay nagpasa ng meal plan sa kanya na gawa mismo ng manager ng tennis team. May dinagdag pa talaga ito na hindi naman healthy. Hindi siya pumayag at umangal ito. Bahala na si Preston rito.

Ngayon, he's somewhere in North District to join a race contest that is 12 kilometers. A piece of cake for him. Aabot pa siya ng mas mahaba pa roon.

He was stretching when he saw a familiar face. Of course, he's his former teammate in the track and field during his highschool years. Ngayon lang din niya ito nakita sa isang patimpalak.

"Yuugi," he called. Saka naman siya nito napansin na may blangkong ekspresyon sa mukha. Nakasuot ito ng running outfit gaya niya. Half-Japanese at Half-Pinoy ito. Somehow, they drifted apart when Yuugi kept bagging on second place, second place to him.

"Miles," malamig nitong sambit.

"May the best man wins."

Yuugi just smirked with only his cold eyes. "See you in intercollegiate competition."

Doon siya natigilan. Intercollegiate "You're joining now?"

"Yes, I'm part of the track team? Surprise? No? But it isn't me you shouldn't me careful of." Tumingin ito sa bandang kaliwa at sinundan naman niya ang direksiyon na tinitingnan nito.

Nag-stretching ang isang lalaki na ilang taon yata ang tanda sa kanila. Clean cut ang buhok nito at may angas ang mga mata na agad naman silang napansin. The guy only smirked and turned his back.

"He's a monster on the track."

"Why?"

"You're still the same. Wala ka pa rin alam. Ang tumakbo lang ang nasa isip mo. He's one of the most difficult to race with in our generation. May nag-scout na sa kanya maging professional runner. Sumali ako rito dahil sa kanya. He's one of their representatives. Tumatanggap na rin siya ng advertising offers."

"Well, nice for him. Since I don't know him, I am not looking forward to racing with him. I was expecting to run with you."

Yuugi just smirked. "Fine."

Nagtanguan lang sila ulit at kanya-kanya na nang puwesto sa starting line nang tawagin na sila ng isa sa mga officiating officers.

When the air horn spread the streets, nagsimula na rin silang tumakbo. Hindi muna siya tumakbo nang mabilis. Kaya ayaw talaga niya sa mga ganitong event dahil maraming sumasali - athlete man o hindi. Kaya sinisikap niya na manalo sa competition na iyon.

Kasabay niyang tumatakbo si Yuugi na kagaya niya, hindi pa pinapakita ang kakayahan nila sa pagtakbo.

"You know what? What I envy is your running form."

Saglit siyang napalingon kay Yuugi. Nakatingin lang ito sa harap nila. Bumuga muna siya ng hangin. Maganda ang panahon. Hindi mainit. Hindi rin malamig. Nasa gilid din sila ng dagat kaya naaamoy niya ang alat niyon.

"I envy your pace. You can maintain it the best in our track team before." Saglit itong nasorpresa.

"If you said that to me, maybe I didn't antagonize you in highschool."

Miles smirked. "I am enjoying this run with you."

"Not because he's in front of us?"

Nasa harap nga nila ang naturang lalaki. Narinig na niya ang pangalan nito na isinisigaw ng fan girls nito. He's Derrick from Moore University in North District.

POS 1: Miles, Track and Field HottieWhere stories live. Discover now