Sprint: Ten

4 1 0
                                    


The intercollegiate championship has started now. May kaunting pagbabago sa tree tournament dahil himbis na maglaban-laban ang same district sa unang mga laro ay ni-mix up ng board mismo to spice things up. Pabor naman iyon sa kanya dahil malalaman niya ang mga karakas ng manlalaro sa iba’t ibang distrito. Hindi siya sumali sa relay race dahil ang mga teammates na ang bahala doon. Siya, abala sa sarili niya. Selfish na kung selfish. 

‘’I don’t like that guy,’’ tukoy ni Yuugi sa teammate niyang si Rasmus na pinaliligiran ng ibang runners na kakilala ng mga ito sa ibang districts.

Maglalaro din roon si Yuugi pero sa ibang category. Tatakbo siya sa 100m at 200m. Magkahiwalay iyon. Una ay ang 100m na ngayong umaga gaganapin. Uminom na muna siya ng tubig na ibinigay sa kanya ni Theo bago magsalita. 

‘’Hayaan mo na siya. Ganyan talaga ‘yan. Mayabang.’’

‘’Kaya hindi mo sila kasundo.’’

"May isa pang dahilan.’’ 

"Ano?’’

"Kasali na sila sa kulto ni Rasmus,’’ kaswal niyang sambit. May tumabi kay Yuugi. Kilala niya ito sa mukha nito. Ka-teammate ata niya.

‘’Not me. Ayoko sa kanya, minamaliit niya kaming mga bago pa lang sa track team.’’

‘’Who are you?’’ Ngumiti lang ito nang misteryuso. Magkasing-tangkad lang ito kay Yuugi at mas matangkad siya kay Yuugi. His body physique fitted for a running athlete. 

‘’Mark Anthony.’’ 

‘’I joined because of you.’’ Doon tumaas ang kanyang kilay. 

‘’You were saying?’’ 

Yuugi just timidly smiled. ‘’May fan ka pala.’’ 

‘’You were my senior way back in highschool. Nasa third year ako sumali at ngayon lang ako sumali officially sa track team dahil nagpapagaling ako sa injury ko sa paa.’’ 

‘’Nakakatakbo ka?’’ Hindi na bago sa kanilang mga athletes na may mga injury sila bago o habang naglalaro sila ng sports nila. 

Ngumiti lamang ito. ‘’Oo naman. Pinayagan na ako ng doctor ko.’’ 

‘’Bakit ka sumali dahil sa akin?’’ 

‘’Nakita kitang hinabol ang isang snatcher. I like your running form. Free but grounded. Ikaw lang ang kilala kong runner na parang hangin kung tumakbo kaya bago pa ako pangunahan ng pangamba ay nag-try out ako sa para sa track team pero sa short distance race na muna ako dahil bumabawi pa ng lakas ang mga binti ko,’’ mahabng paliwanag nito. He’s not flattered to hear those words but he was thankful that someone appreciated the way her runs, not just being fast or winning awards.

‘’Thanks and good luck in the race. Don’t think about winning too much. Focus on how you can run while not compromising your safety. Mas importante iyon sa iyo .’’

Tila na-encourage naman ito sa sinabi niya. Nagpaalam na si Yuugi nang tawagin na ng officers ang tatakbo sa race na iyon. It’s not his turn yet. 

Nagpaalam na muna siya kay Mark Antony dahil may kukunin siya sa sports bag niya nang may mapansin siya sa bleachers. Wearing a white v-neck shirt and khaki cargo shorts intended for ladies was Brooke Cadence Valverde. Hindi niya mapigilang tingnan ang mahahaba at magaganda nitong legs. Siningkitan lang siya nito ng mga mata nito. 

‘’Seriously? Are you oggling at my legs?’’ she asked. Bumaba ito ng bleachers. Kahit ang iba namang kabaro niya roon ay napapatingin sa mahubog nitong legs. Hindi naman ito volleyball player. 

POS 1: Miles, Track and Field HottieWhere stories live. Discover now