#2

7 1 0
                                    



Ako'y nasasabik nang makita ka
Hindi na ako makapaghintay na ika'y makasama
Kung nasaan ka man
Tahimik na pinagmamasdan
Mula sa malayong ibayo
Sa lugar na tinatawag nilang paraiso
Maaari bang ako'y iyo nang isama?
Sawa na akong mangulila
Sa mga yakap mo't haplos
At mga salita mong sa puso ko'y tumagos
Nahihirapan na ako
Gusto ko nang sumuko
Ngunit ang sabi mo ay magpatuloy
Sumunod sa mga daloy
Saan man ako nito dalhin ay sumunod
Hanggang sa makarating ako sa paroroonan
Ngunit aking napag-isipan
Naroon ka ba sa dulo ng aking pupuntahan?
Naroon ka ba't sa akin ay naghihintay?
Isama mo na ako ,ayoko na dito
Nahihirapan na ako,naririnig mo ba?
Pakinggan mo parang awa mo na
Hindi ko na kasi alam kung kaya ko pa
Isama mo ako ,hindi ba't yun din ang nais mo?
Gusto ko nang maging masaya kasama mo...

SamuelKde žijí příběhy. Začni objevovat