#4

6 1 0
                                    


Araw-araw iniisip ko kung paano ba humantong ang lahat sa ganito.Ang daming 'siguro' na pilit bumabagabag sa isip ko gabi-gabi at sa tuwing mababakante ang isipan ko ,kaya't hangga't maaari ay inookupa ko ang aking isipan sa abot ng aking makakaya.Walang puwang para sa pahinga dahil sa tuwing susubukan ko ay mas lalo lamang akong nakakaramdam ng pagod hindi man sa pisikal na kaanyuan kun'di sa emosyonal at intelektwal.

Isa sa mga 'siguro' na iyon ay . . . Siguro kung hindi nangyari ang lahat ng ito nasaan na kaya ako sa mga oras na ito?ano kaya ang aking pinakakaabalahan sa tuwing ako'y mawawalan ng ginagawa.Ano kaya ang aking kahihinantnan kung sakaling hindi nagkaganito ang hinaharap?Maraming mga siguro ang pinanghihinayanghan.Ngunit kahit ano'ng gawin ko ,alam ko sa sarili ko na hindi ko na ito maibabalik ,dahil ito ay nangyari na at matagal nang nagtapos.

SamuelWhere stories live. Discover now