#15

0 1 0
                                    



Ilang linggo na ang lumipas at tila nawalan ako ng gana sa lahat.Nawala na ang hilig sa musika.Hindi na rin ako gaanong nagbabasa , maging ang pagsulat ay nawala na rin sa aking isipan.Mabuti na lamang at naalala kita , gusto ko lamang ipabatid sa iyo ang tumatakbo sa isip ko na pilit ko mang iwaglit ay patuloy pa rin.Sa tuwing ililibot ko ang paningin , sa tuwing titingin ako sa mga bagay sa aking paligid , iniisip ko kung paano ba ako mawawala sa mundo nang tuluyan.Nakakabigla hindi ba? Parang kailan lang ay ipinangako ko sa iyo na tutuparin ko ang pangarap mo , tapos ngayon ay gusto ko na lamang din sumunod sa mga yapak mo.Ang pinagkaiba lamang , hindi mo naman hinangad na bawian ng buhay samantalang ako ay gusto ko nang isauli ang buhay na mayroon ako.Napapagod na ako Samuel, hindi ko alam kung hanggang kailan ba ako lalamunin ng kalungkutang hindi ko naman alam kung saan nanggagaling.Pakiramdam ko ay nalulunod ako sa dagat ng miserableng buhay na mayroon ako ,at alam mo ba? Ayaw ko na nito.

SamuelWhere stories live. Discover now