#17

2 1 0
                                    

Malapit na namang matapos ang taon ng wala ka.Ang bilis ng panahon , parang kailan lang ay nakangiti ako habang nakikipag-usap sa iyo.Ngunit tignan mo , apat na taon simula noong mawala ka ngunit pakiramdam ko ay kailan lang nangyari lahat.Nakakulong pa rin ako sa ala-ala mo.Gustuhin ko mang kumawala ngunit mapipigil ba ang pusong nagpupumilit? Ano ba'ng laban ng isip na siyang kinalawang na sa kakaisip sa mga pangyayaring hanggang ngayon ay hindi ko maunawaan.Lahat ay nagbago na , lahat ay lumipas na , lahat sila ay pilit nang tinatanggap ang bagong sistema ngunit bakit ? Bakit hanggang ngayon ay nandito ako at nagluluksa sa pagkawala mo .Kahit anong pilit kong iwaksi ka sa isip ay hindi ko magawa.

SamuelWhere stories live. Discover now