#11

3 1 0
                                    


Sunod-sunod ang pag-ulan nitong mga nagdaang araw.Malakas ito at halos ang ingay na lamang ng mga patak nito ang namamayani sa pandinig ko.Sobrang lakas nito lalo sa tuwing sasapit ang gabi na mas lalo pang nagpapalamig sa akin.Kahit anong kumot ko , kahit anong taklob ko ng unan o kahit mamaluktot pa ako na parang isang uod ay wala ring saysay.Gaya ng malakas na pagbuhos nito ay ang paghagulgol ko sa tuwing maalala ko na wala ka na nga pala.Tuwing umuulan kasi nang malakas noon ay lagi mo akong pinapaalalahanan na mag-ingat at manatili sa loob ng bahay.Mahilig kasi akong lumabas at magbisikleta noon tuwing gabi lalo kapag maulan.Pero 'wag kang mag-alala dahil hindi ko na inulit pa 'yon simula noong mawala ka.Sabihin na lang natin na sinunod ko ang isa sa lagi kong habilin at ngayong wala kana malamang ay hindi mo na ito mauulit-ulit sa akin kaya naman susundin ko na.Nami-miss na kasi kita.Ilang taon na rin kasi pero hanggang ngayon pakiramdam ko ay kahapon ka lang nawala ,kahapon lang nangyari lahat ,kahit ang totoo ay ilang taon na ang lumipas.

SamuelWhere stories live. Discover now