#12

1 1 0
                                    





Unang araw ngayon ng Nobyembre , araw ng mga Santo at ang karamihan ay nagtutungo sa sementeryo para dalawin ang yumao nilang mahal sa buhay.Naalala kita , naisip kong dalawin ka ngunit hindi ko pala alam kung nasaan ang iyong mga labi.Ni hindi ko nga alam kung saang parte ka ba ng kabisayaan.Gusto kong puntahan ka , gusto kitang tabihan at nang personal kong maikwento sa'yo ang mga nagaganap sa buhay ko simula noong mawala ka.Kung ano na ba ang mga nagbago.Napapaisip ako kung sino ba ang tunay namatay ,ikaw ba o ako.Ang presensiya mo at ang puso ko , pareho lang naman kung tutuusin.Sa mga oras na ito dapat ay naghahanda ako para sa pagsusulit namin ngunit mas pinili kong alalahanin ka at tumulala sa kawalan.Wala kasing pumapasok sa isipan ko , hayaan mo ,hindi ko naman pababayaan ang pag-aaral ko.Hindi mo man matupad ang pangarap mo , ako ang tutupad niyon lahat para sa'yo , hindi ako nangangako pero gagawin ko lahat ng makakaya ko .

SamuelWhere stories live. Discover now