#19

0 1 0
                                    


Matatapos na ang taong ito , ilang araw na lang ,ilang tulog na lang , ilang kain na lang , ngunit hanggang kailan pa ba? Hanggang kailan pa ba ako magluluksa? Kailan ba matatapos ang sakit na dulot ng pagkawala mo Samuel? Napapagod na ako , ngunit magpapatuloy ako gaya ng naipangako ko.Nais kong iiwas ang atensyon ko sa pag-alala sa'yo , may mga taong nakakuha ng atensyon ko ngunit madali naman itong nawawala na parang bula.Itong nararamdaman ko ay laging umuuwi patungo sa'yo , at kusang nawawalan ng interes sa mga taong nangyaring hinangaan ko , hanggang doon na lang ba? Sa iyo pa rin ba hanggang sa susunod na taon at sa mga darating pang panahon?

SamuelOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz