#16

0 1 0
                                    


Marami akong gustong ikuwento sa iyo , sa sobrang dami ay hindi ko alam kung paano ko ba sisimulan maging tapusin man ito.Hindi sapat ang mga salita para ipaliwanag ang mga nararamdaman ko.Ninais ko mang tapusin ang lahat noong nakaraang linggo , nandito akong muli at pilit na hinahawakan ang pangako ko sa'yong magiging matatag.Siguro nga hindi pa talaga ito ang tamang oras para magkasama tayo ngunit alam kong darating din tayo do'n .Hindi na ako makapaghintay.Sana nga ay mabilis na tumakbo ang oras at tuluyan na kitang makasama.

SamuelDär berättelser lever. Upptäck nu