#18

1 1 0
                                    

Ilang araw na lang ang nalalabi ay matatapos na naman ang taon , panibagong taon na naman ang nakayanan kong tapusin kahit wala ka.Masaya ka ba para sa akin? Dahil sa kabila ng ilang ulit kong pagtatangka na tapusin ang lahat ay nandito pa rin ako at nananatili ? Sa dami ng pinagdadaanan ko masasabi kong maraming nagbago.Napakarami at hindi ko na mabilang , nadadagdagan ito araw-araw.Ngunit kung mayroon mang nanatili iyon ay walang iba kundi ang pagkasabik kong makita ka.Sana dumating ang araw kung kailang handa na muli ako para harapin ang lahat bokal sa aking kalooban at makausad na ako nang tuluyan sa nakaraang kinulong ako ng kay tagal.

SamuelWhere stories live. Discover now