#10

4 1 0
                                    

Nasa Unang taon na ako sa kolehiyo
Noong una ay nababagabag ako
Kung saan nga ba ako tutungo pagkatapos nito?
Kung mayroon pa nga bang patutunguhan ito?

"Wag mong isipin ang hindi pa nagaganap , namnamin na lang muna ang bawat sandaling ito." Nanumbalik ang mga katagang 'yan na nagpapaalala sa akin na laging pahalagahan ang bawat sandali.

Pasensya kana , hindi ko talaga mapigilan
Wala akong tiwala sa lahat ng bagay
Ayokong tumawa ngayon dahil ramdam ko ay wala akong karapatan.

Natatakot ako , ngunit mas lamang ang kalungkutan ko dahil wala ka na para sabihing ayos lang ang lahat ,matapos no'n ay mapapawi na ang takot sa puso ko.

Ikaw ang nakakapagpanatag sa akin tuwing naguguluhan ako't hindi malaman ang gagawin ,ngayong wala kana paano na ako?

Pero Sam , 'wag kang mag-aalala dahil sinusubukan ko naman kahit mahirap kahit masakit para sa akin harapin lahat 'to ng mag-isa.

Ikaw naman kasi ,dumating ka sa buhay kong sanay na akong mag-isa at kimkimin lahat ng sakit at pagdaramdam sa puso ko tapos ngayong wala kana ay tila ganito na naman ako at ang nakababahala pa ay mukhang mas malubha ito at mas masakit kumpara noong wala ka pa.

Ang hirap magpanggap na ayos lang kahit hindi naman talaga.Napansin ko nga rin na lagi akong nahahapo kahit wala naman akong ginagawa.Iniisip ko kung ano ba'ng mali , hindi ako makapag-isip ng tama.

Nahihirapan ako ngunit ayaw kong ipaalam sa iba , hindi naman nila alam ang tungkol sa iyo
Kung bakit ba naman kasing lihim kitang nakilala
Kung sana lamang ay sa totoong mundo tayo nagkita , baka sakali ay hindi ako mag-iisa sa pagluluksa sa iyo hanggang ngayon.

SamuelWhere stories live. Discover now