01.

152 5 0
                                    

Tears freely fall from my eyes while staring at my laptop. Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ng kuya ko pero, tulala lang ako at hindi nakapaniwala sa nakikita.

Am I seeing this right?

"I'm proud of you."

Four words and my tears fell like an endless waterfall. Four words and it triggered my emotions. Napayakap ako sa kapatid ko at sabay naming ipinagdiwang ang kasiyahang nadarama.

"Kuya, teacher na ako..." mahinang boses na sabi ko. "Nakapasa ako, kuya! M-makakapagturo na ako gaya ng pangarap ko at ni mama para sa akin."

My emotions flooded. Halo-halo ang nararamdaman ko pero, lamang doon ang saya kaya naman nang sabihin ni kuya na maghanda ako at kakain kami sa laabs ay hindi na rin ako tumanggi. Nakuha daw niya ang sahod niya kaya ililibre daw niya ako ngayon.

Nag-tricycle kami ni Kuya Yael papunta sa paborito naming kainan noon. Isang karinderya 'yon na malawak at maaliwalas. Open place ang karinderya kaya naman mahangin. May mga puno din malapit na nagpadagdag sa hangin.

May malaking TV na nasa pader na agad kong nakita nang pumasok kami. Ang tinderang naroon ay mukhang natuwa nang makita kami dahil kilala na kami. Ngumiti ako at kumaway sa ginang na agad kaming binati paglapit.

"Kayong dalawa pala! Nako, ang tagal na mula nang makita ko kayo, ha. Akala ko, may ibang karinderya na kayong kinakainan eh," nakangising sabi ni Aling Puring na may-ari ng kainan.

"Aling Puring naman, hindi namin ipagpapalit ang luto niyo, 'no!" sagot ko na nagpangiti sa ginang. "Saka, matagal po kaming hindi nakadalaw dahil naging abala po ako sa pag-aaral. Si Kuya Yael naman, sa trabaho niya po," dagdag ko pa.

"Ay, gano'n ba? Nako, buhay ad— ano nga ulit 'yong tawag doon?" Napahawak pa siya sa baba niya at nag-isip.

Bahagyang natawa si kuya. "Adult po," sagot ng kapatid ko.

Napapilantik ng kamay si Aling Puring. "Ayon! Adult, tama! Buhay adult nga naman," sabi niya habang umiiling iling. "Oh siya, 'yong palagi niyo bang binibili?"

Nagkatinginan kami ni kuya at sabay tumango sa ginang.

Humanap kami ng upuan at parang iisa ang takbo ng utak nang sabay kaming napangiti nang makita na bakante ang pwesto kung saan kami madalas maupo noon. Nagmadali ako para makalapit doon at kaagad na naupo. Sumunod sa akin ang kuya ko na tinawanan lang ako.

Inilabas ko ang cellphone ko at kumuha ng litrato ng lugar bago ko nilingon ang kuya ko.

"Picture tayo, kuya," sabi ko sa kaniya. Sinimangutan niya ako pero, hindi kalaunan ay pumayag din kaya napangiti ako at inilapit ang upuan sa kaniya.

Hindi ko pa man din napipindot ang capture button sa camera, dumating na si Aling Puring dala ang pagkain namin at isang malaking bote ng softdrinks.

"Ito na, mga anak. Magpakabusog kayo, ha?" bilin niya matapos ilapag ang ulam na palagi naming binibili kapag kumakain kami dito. Bicol Express at Adobong sitaw.

"Salamat po," sabay na sabi namin ni kuya. Tumango at ngumiti sa amin ang ginang bago ito tumalikod at bumalik sa trabaho.

Akmang bubuksan na ni kuya ang bote ng softdrinks nang pigilan ko siya. "Picture muna," sabi ko. Napabuntonghininga si kuya bago napailing. Akala ko ay hindi papayag pero, agad niyang iniakbay ang isa niyang kamay.

"Kahit kailan ka talaga," aniya na ikinangiti ko. Mabilis akong kumuha ng litrato namin ni Kuya Yael at pati ang pagkain ay kinuhanan ko ng litrato. Nang matapos, ako na ang kumilos para lagyan ng ulam ang kanin ni kuya at siya naman sa inumin.

Just like that, we celebrated one of my biggest achievement in life. Kung buhay pa si mama, paniguradong magluluto siya nang maraming-maraming ulam at mamimigay sa kapitbahay. Gano'n kami mag-celebrate noon pero, ngayong kami na lang ni kuya, wala na ring time para magluto nang marami, kumain na lang kami sa labas.

Akala ko ay kakain lang kami ni Kuya Yael pero, nagulat ako nang ayain niya akong maggala kami. Dinala niya ako sa resort na pinagtatrabahuhan niya. Nagkwento rin siya tungkol sa trabaho niya at sabi niya, baka may tsansa daw na mailipat siya sa San Pedro Branch ng resort pero, hindi pa naman daw ngayon. Baka next year pa kapag pinanatili niya ang magandang performance sa trabaho.

Nagtanong din si kuya kung saan ko balak magturo. Ang sabi ko ay dito na lang din dahil nandito pa naman siya. Gusto kong magkasama kami ni kuya kaya pinili ko na dito na lang din sa Calamba mag-apply.

Napuno ng litrato namin ang cellphone ko at hanggang sa makauwi kami ni kuya ay may bakas pa rin ng ngiti sa labi namin.

"May pasok ka bukas, kuya?" tanong ko habang nagtatanggal ng sapatos.

Nilingon ako ni kuya at bahagyang tinanguan. "Hanggang gabi pala ako doon. Birthday ng anak ni boss kaya may handaan..." Tumingin sa akin si kuya. "Gusto mong sumama? Mag-isa ka dito bukas," aya niya.

"'Wag na, kuya. Baka kapag nandoon ako, hindi ka makapag-enjoy. Ikaw na lang, ayos lang ako dito," nakangiting sabi ko sa kapatid.

Tinanggal niya ang sapatos niya at sumandal sa kawayan naming upuan. "Mas hindi naman ako makakapag-enjoy kung naiisip kong mag-isa ka dito," seryosong saad niya na naghatid ng ngiti sa akin. Mabilis akong lumapit sa kapatid ko at yumakap sa kaniya.

"Hay nako, Yander Elias! 'Wag kang mag-alala sa akin! Mag-enjoy ka doon sa handaan bukas. Deserve naman 'yon ng masipag kong kuya, 'no!" sabi ko habang nakasandal sa balikat niya.

"Aryanah, paano nga ako makakapag—"

"Hep! Hep!" pagpuputol ko sa kaniya sa pamamagitan ng pag-angat ng hintuturo ko para pigilan siyang magsalita.

"Kuya, bente dos na ako. Kaya ko na ngang gumawa ng anak—" agad niya akong sinamaan ng tingin kaya napatawa ako. "Ibig kong sabihin, kaya ko ang sarili ko. Tinuruan mo akong mangarate, hindi ba?"

Agad pinitik ni kuya ang noo ko. "Kung ano-anong nalabas sa bunganga mo. Anong anak-anak? Wala ngang nanliligaw sa 'yo," aniya kaya napasimangot ako at lumayo sa kaniya.

"Paanong may manliligaw eh halos manaksak ka kapag may nagpapalipad hangin sa akin?"

Inirapan lang ako ni Yander Elias bago inilingan. Sumandal siya at hindi kalaunan ay huminga nang malalim.

"Sigurado kang kaya mo dito bukas? Hanggang madaling araw lang naman siguro ako. May trabaho kasi sa umaga tapos, sa hapon 'yong handaan. Baka mag-inuman din kaya baka gabihin talaga ako." Tumango ako sa kaniya. "May pagkain naman diyan sa ref na p'wede mong iluto. 'Wag instant noodles, ha? Purgang purga ka na doon noong mga gabing nagre-review ka para sa board exam mo. Hindi maganda 'yon," naging strikto ang mukha niya kaya napanguso ako.

"Opo, Yander Elias," sabi ko pero, imbis na pagalitan dahil sa pagtawag ko sa buong pangalan niya, inilingan lang ako ng kapatid ko.

"Matulog ka na nga, baliw ka na naman." Tumayo na siya at dumiretso sa kwarto kaya tumayo na rin ako para sumunod. Akmang papasok siya sa kwarto nang tawagin ko.

Nilingon niya ako kaya agad akong ngumiti.

"Thank you for today, kuya. Masaya akong proud ka sa akin," marahang sabi ko. Unti-unti ring sumilay ang ngiti sa labi niya bago lumapit sa akin at humalik sa noo ko.

"Salamat din, Yanah dahil nagpatuloy ka. Nandito lang si kuya para sa 'yo palagi, tandaan mo 'yan." Ginulo niya ang buhok ko. "Tulog ka na para bukas, matino ka na ulit."

Yander Elias, ang kapatid ko na kahit minsan, gusto kong sipain palabas ng Earth dahil sa lakas mang-asar, ay hinding-hindi ko magagawang ipagpalit kahit kanino. Si Kuya Yael na lang ang meron ako kaya nagpapasalamat ako at habang buhay na magpapasalanat dahil inilaan sa akin ng Diyos ang isang kapatid na katulad ni Kuya Yael.

His Missing Piece (MBS #3)Where stories live. Discover now