17.

61 3 0
                                    

If you already read Series Of Wheres #3, you will notice that some scenes from this chapter onwards is familiar.

"Sure ka bang magiging ayos ka lang?" I asked Lorrie for the nth time. Alam ko kasing masasaktan na naman siya kaya labis akong nag-aalala. She already had enough of the pain.

"Ayaw mo bang samahan kita?" oangungulit ko.

"Yanah, ayos lang ako. Pangako 'yon. 'Wag ka nang mag-alala, okay?" Nakangiti niyang saad at hinawakan ang kamay ko.

Wala na rin akong nagawa kung hindi ang hayaan siya. Nang masigurong nakapasok na si Lorrie, nagmaneho na ako pabalik ng condo ko. Gusto kong magpahinga tapos, bibisita ako mamaya sa kanila. Baka sakaling gumaan ang pakiramdam ko.

Pagdating sa condo ay naabutan ko si Kuya na abala sa harap ng laptop niya. Naupo ako sa tabi niya at alam kong pansin niya ang presensya ko.

"Naihatid mo na si Lorrie?"

Tumango ako. "Gusto ko ngang samahan kaso, kaya na daw niya," sabi ko.

"Kaya ni Lorrie 'yon. Kapag sinaktan siya ulit no'ng lalaking 'yon, ako na mismo manggugulpi sa kaniya," sabi ni kuya kaya napangiti ako.

How long has it been since that happened? Months? Almost a year? Kaya pala masakit pa rin. Mahapdi pa rin at halos hindi pa rin ako makahinga kapag naiisip ko.

Everyday ang night, regret keeps swallowing me. I should've talked to him. I should've open the door for him and fix things with him. I have many "should've" in my head but, I know, it's already too late.

Huli na para maitama ko ang mali ko. Huli na dahil hindi na siya nakabalik. Huli na dahil ang mga katagang narinig ki ay hindi guni-guni. Totoo lahat 'yon.

Totoong bumagsak ang eroplanong sinasakyan niya noon. Hindi 'yon biro, hindi 'yon masamang panaginip.

Nagtungo ako sa San Pedro, sa bahay nila para makausap ang pamilya niya. Alam na nila ang balita at mas nadurog ako nang makita ang paghihinagpis ni Tita Jean, maging sila Kobi at Yuri ay nanghina rin. Lahat kami, naghinagpis sa pagkawala niya.

"Yanah..." Yuri called me when I entered their house that time. I keep going back, hoping to see Ralph in his house but, I always fail.

"Ikaw pala," halos wala na akong boses dahil sa walang tigil na pag-iyak.

"Did you already rest? Halatang wala kang tulog. Magpahinga ka muna..." hindi ko yata magagawang magpahinga. Ayokong magpahinga. Sobrang hapdi ng puso ko. Para akong pinapatay habang inaalala ang nangyari.

"Hindi ko sasabihin na 'wag kang umiyak dahil alam kong hindi ka mapipigilan. Hindi ko rin tatanungin kung ayos ka lang ba dahil lahat tayo ay hindi ayos. Ang tanging magagawa lang natin ay umasa. Naniniwala ako sa kapatid ko."

"H-he promised me that he will be back, Yuri," humihikbing sabi ko. "B-bakit ba kasi inaway ko pa siya noon? Sana pala h-hinalikan ko man lang siya bago siya umalis pero hindi! I-inaway ko pa! Nakakainis! Ang tanga tanga ko!"

Tanga nga ako kasi hinayaan kong lamunin ako ng pagdududa. Hinayaan kong talunin ako ng selos.

This is the price I have to pay for doubting Ralph. I need to endure the pain and regret every single day and it's already killing me. It's still killing me.

I resigned from CNHS. Hindi kinakaya ng puso ko na manatili doon nang hindi naalala si Ralph. The whole campus mourned for him even without his body. Walang katawan na natagpuan kaya kahit papaano ay may pag-asa pa sa puso ko. Umaasa ako na babalik siya at kapag bumalik siya, gagawin koang lahat, mapatawad lang niya ako.

Kuya and I moved to San Pedro. Ang rason ko ay gusto ko ng bagong environment pero, alam kong hindi kumbinsido ang kapatid ko.

"Nag-resign ka sa CNHS kung saan marami kang alaala sa kaniya pero, gusto mong lumipat sa lugar na siya mismo ang maalala mo. Hindi ako naniniwalang gusto mo ng bagong environment. Kaya gusto mong lumipat sa San Pedro kasi umaasa kang babalik siya." That's what my brother told me but, he agreed to move with me.

Ngayon ay nakatira kami sa isang condo. Tumigil din ako sa pagtuturo matapos nang nangyari. Hindi ko pa kayang magturo gayong siya rin ang naalala ko.

Sa ngayon, ang priority ko ay ang kaibigan kong si Lorrie. Alam ko na kailangan niya ng tulong ko kaya siya muna ang uunahin ko. Tutulungan ko siya hanggang maging masaya siya.

"Yanah, kunin mo ang cellphone ko. Order ka ng chicken wings at softdrinks para pag-uwi ni Lorrie ay may makain siya," sabi ni kuya na pumutol sa pag-iisip ko.

Right, chicken wings and softdrinks, our comfort food.

"Where's your phone, kuya?"

"Nandoon sa kwarto mo, naka-charge," sabi niya habang ang mata ay nakatuon pa rin sa laptop.

Tumayo naman ako para kunin ang phone niya. "Bakit sa kwarto ko pa nag-charge? Sira na naman ba charger mo at charger ko na naman ang gamit mo?"

Kuya Yael chuckled. "Yeah, sorry. Nahila ko 'yong chord kaya ayon hindi na gumana. Bibili ako ng bago kapag nakasahod ako," sabi niya kaya napailing na lang ako.

"Tumatanda kang lampa, Yander Elias," biro ko at natawa nang malakas nang marinig ang pagmumura niya.

Nang makapasok sa kwarto ay kinuha ko ang cellphone ni kuya pero, natigilan ako nang makita ang litrato namin na naka-frame.

Kahit naman wala siya, nanatili pa rin ang mga alaala niya dito. Hindi ko inaalis. Wala akong pake kung magsisi ako habang nakatingin doon, basta ba nakikita ko ang mukha niya. Basta ba hindi ko makakalimutan ang mga alaala namin.

I caressed his cheek on the photo. "Miss na miss na kita, Ralph. Naniniwala akong nandyan ka pa. Hindi mo ako iiwan eh, hindi ba?" nakangiting sabi ko sa kabila ng pagtulo ng luha.

"Maghihintay ako, mahal."

Sa mga sumunod na araw ay naging abala ako kay Lorrie. Mas tinutukan ko siya dahil napapadalas ang pag-atake ng sakit niya at alam ko na kakailanganin niya kami lalo ni kuya kaya hindi ako umalis sa tabi niya.

I stayed with Lorrie until she decided to work again. Alam kong paraan niya 'yon para maalis si Jeon sa isip niya at hiniling ko na sana kaya ko ring bumalik na sa trabaho.

Sana makapagturo ulit ako nang hindi naalala ang masakit na nakaraan.

His Missing Piece (MBS #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora