14.

61 2 0
                                    

Tomorrow is Christmas Day! I wish you all have a wonderful christmas with your love-ones! Merry Christmas, everyone!  Ingat kayo lahat!

I will publish multiple chapters. Pamasko ko na sa inyo hihi.

"Are you nervous?" I watch my boyfriend pacing back and forth in front of me. Nandito kami ngayon sa parke malapit sa bahay namin ni Kuya. Didiretso sana kami sa bahay pero, huminto muna kami dito dahil nagulat si Ralph nang sabihin kong ipapakilala ko siya sa mga magulang ko at sa kuya ko.

"Hey..." I stood up and went to him. Hinawakan ko ang kamay niya. Napatingin naman siya sa akin at parang nanlambot.

"Love, kinakabahan ako..." Pag-amin niya. "Magugustuhan kaya ng mama at papa mo ito? Nakilala ko na ang kuya mo pero, ang mama at papa mo, hindi pa." He kept babbling and it's obvious how nervous he is.

"Love, kalma ka lang. Magugustuhan ka nila," sabi ko at tumingin sa orasan na nasa palapulsuhan niya. "Okay ka na ba? Diretso na tayo sa bahay, inaantay na tayo ni Kuya Yael," sabi ko at pinanood ko kung paano siya huminga nang malalim nang ilang ulit habang nakapikit bago siya nagmulat.

"Tara na, love. I'll face your family," aniya.

Ilang hakbang lang ang nilakad namin hanggang sa makarating kami sa maliit naming bahay ni kuya. Naglakad kami papasok at saka ako kumatok. Ilang sandali pa ay nagbukas 'yon at bumungad ang kuya ko.

"Kuya! Happy birthday!" I greeted the moment I saw him. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Finally, you're here," bulong niya at hinaplos ang likod ko. Nang bumitaw ako ay nilingon ko si Ralph na parang estatwang nakatayo doon.

"Ralph, mabuti at nandito ka," bati ni kuya.

Ralph nodded. "Happy birthday, Kuya," my boyfriend greeted and smiped at my brother.

"Maraming salamat..." sabi ni Kuya Yael at tinapik ang balikat ni Ralph. "Sandali, kukunin ko lang ang mga bag at aalis na tayo," sabi niya.

"Sige, kuya. Maghihintay kami sa may sasakyan mo," sabi ko at agad inabot sa akin ni kuya ang susi ng sasakyan niya.

Pumasok si kuya sa loob at kami namang dalawa ni Ralph ay dumiretso sa sasakyan ni kuya. Binuksan ko 'yon at pareho kami ni Ralph pumasok sa loob.

"Where are we going, love? Akala ko sa bahay niyo tayo?" He still didn't know that my parents aren't here anymore. It's his first time meeting them but, I know, my parents will surely love him.

Sumandal ako sa balikat ni Ralph at yumakap sa braso niya. Naramdaman ko naman ang paghalik niya sa ulo ko kaya napangiti ako.

"We're going to visit our parents," sagot ko at naramdaman ko na namang natigilan si Ralph pero, bago pa ako makapagsalitang muli ay nauna na siya.

"Love, lalabas muna ako saglit. There's your brother so, I'll help him carry those bags. Stay here," he said and planted a kiss on my lips before he went out of the car. Pinanood ko sa bintana ng kotse ang paglapit niya kay kuya at mabilis niya itong tinulungan sa dala nito.

Napangiti ako nang makita ang pagngiti ni kuya sa kanya. Pareho na silang nakangiti kaya naman hindi magkamayaw ang saya sa puso ko. Seeing my brother and my boyfriend get along makes my heart jumped out of joy. Agad kong kinuha ang phone ko at kinunan sila ng litrato.

Nang makalapit sila, ibinaba ko ang bintana at tinawag si Ralph.

"Love, sa tabi ka na ni kuya maupo," nakangiting sabi ko. Nag-angat ng tingin ang boyfriend ko at nilingon si kuya.

"Sure ka, Aryanah? Your boyfriend might ignore you the whole ride if you let him sit with me," pang-aasar nito sa akin pero inirapan ko lang ang birthday boy.

His Missing Piece (MBS #3)Where stories live. Discover now