05.

84 1 0
                                    

I started my class enthusiastically. Tuwang-tuwa ako sa mga estudyante dahil halos lahat sila ay aktibong sumasagot sa bawat tanong ko. Pansin ko ang gana nilang matuto kaya ginanahan akong magturo.

While watching my students answer and participate, I was overwhelmed and contented to know that I chose the right field. I chose the right profession and I was able to see students grow to become a better person.

Hindi ko na namalayan ang oras at napagtanto ko na lang na tapos na ang oras ng klase at tanghalian na. I gave them their assignment before I proceeded to go outside the class. Dumiretso muna ako sa faculty para ilapag ang mga gamit ko at kunin ang purse na nasa bag ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at nakitang walang masyadong tao sa loob ng faculty. Naglakad ako patungo sa mesa ko at nilapag ang gamit ko doon hanggang sa marinig ko ang tunog ng pagbukas ng pinto.

"Lunch break?"

I heard a manly voice making me turn around. I was slightly shock to see Sir Ralph behind me. Inilapag din niya ang mga gamit niya sa table niya, hindi kalayuan sa akin.

"Yes, sir," sagot ko sa kaniya. Kinuha ko ang purse at handa na sanang umalis at magpaalam nang makita kong nakatayo na si Sir Ralph sa likod ko paglingon ko na ikinagulat ko.

I don't know what happened to me that moment but, I got stucked there, staring at his dimples while he's showing me a charming smile. Unti-unti ay napaangat ang tingin ko sa mata niya na natatakpan ng salamin na suot. His eyes gave me a different impact and it's more intense. It gave me feeling that I never felt before.

"Miss Yanah?" he called, snapping me out of my reverie. Embarassment filled me when I realized what I've just done!

I cleared my throat and averts my gaze from him. "I'm sorry for spacing out, sir," sabi ko at handa na sanang magpaalam nang magsalita siyang muli.

"Do you find me handsome?"

Of course. Who would not? Ralphmond Madrigal is deadly attractive. Wala nang pag-aalinlangan at wala nang paligoy-ligoy pa. He's also smart, kind and all smiles. Naisip ko nga minsan na ang swerte ng mga estudyante niya dahil araw-araw nilang nakikita si Ralph.

"I find you beautiful, Ms. Yanah," aniya bigla kaya natigil ang pagmo-monologue ko sa isipan ko. Napakurap ako at wala sa sariling napatingin lang sa kaniya.

What the hell am I doing? Speak up, Yanah!

"Uhm... lunch?" I asked dumbly.

Good thing, Sir Ralph seems fine and comfortable with me. Nag-alala kasi ako kanina na baka nawirduhan siya sa akin kanina. Ayoko lang na may katrabaho akong hindi komportable sa akin kaya ako nag-alala. 'Yon lang.

"So, how's your work here? Did you find it hard?" he asked while we are eating in the canteen. May mga estudyanteng bumati kaya hindi ko muna nasagot ang tanong niya pero, nang mawala sila ay saka ako humarap sa kaniya.

"Ayos lang naman, sir. The students are cooperative and they are also attentive in my class so, I didn't had a hard time," sagot ko at ngumiti.

He also smile at me and nodded. "Good to know. If ever..." he paused and sighed before looking at my eyes and smiling at me. "If ever you are having a hard time, just come to me and I'm more willing to help you," aniya at hindi na naman ako nakasagot dahil sa sobrang gulat at... kilig?

Hindi naman siguro masamang kiligin sa isang gwapong co-teacher?

Natapos ang buong maghapon ko nang maayos. Umuwi akong mag-isa dahil nasa trabaho pa rin ang kuya ko at nagsabi siya na baka hindi siya makakauwi kaya pang-isang tao lang ang niluto kong hapunan. Matapos makakain ay naglinis ako ng pinagkainan at tumungo na sa kwarto ko para kumuha ng damit at makapagbihis.

Nang lumapat ang likod ko sa kama ay napahinga ako nang malalim dahil sa pagod na biglang namayagpag sa buong katawan ko.

I'm tired but still, I have a smile on my face. Hindi maiwasan ang pagngiti ko dahil sa mga nangyaru ngayong araw. Ganap na akong guro, nakakapagturo gaya ng gusto ko mula noon at wala nang mas isasaya pa ang puso ko. Hindi ako nahirapan dahil nandyan si Ma'am Torres at si Sir Ralph na tinutulungan ako.

Without noticing, I drifted to sleep with a smile on my face. 

The next day, I woke up feeling good and light. Pasayaw sayaw pa ako habang naghahanda para sa pagpasok. Nakaayos na rin ang mga gamit ko at anumang oras ay handa nang umalis. I cooked for my lunch. Naisipan ko kasi na magbaon na lang ng pagkain kesa bumili pa para mas makatipid dahil naisip ko na ipunin na lang ang pera para naman kahit papaano ay makatulong ako kay kuya kahit wala pa akong sahod.

Gaya ng nakagawian, nag-commute ako patungo sa school dahil nga hindi umuwi si kuya at ako lang mag-isa ang nasa bahay.

Pagpasok ay agad akong binati ng mga estudyante at ang iba ay nagpresinta pang magbitbit ng bag ko pero, hindi ko pinadala dahil kaya ko naman. Nagpasalamat pa rin ako sa mga estudyante ko hanggang sa makarating na ako sa faculty room.

Pagbukas ng pintuan ay napahinto ako nang makita si Sir Ralph na may kausap. Seryoso ang pinag-uusapan nila base pa lang sa ekspresyon ng mga mukha nila.

"Ma'am, I'm sorry but, I wouldn't be able to pass your son if he will do nothing about his failing grades," ani Sir Ralph at doon pa lang ay naintindihan ko na kung ano ang pinag-uusapan. Umatras din ako para kahit papaano ay bigyan sila ng pribadong usapan.

Mukhang parent ng isang estudyante ni Sir Ralph ang kausap niya. Kung tama ang hula ko, mukhang ipinatawag niya ito dahil sa markang nakukuha ng estudyante niya.

I was asked about it on the day I got interviewed. What would I do if I encounter a student with failing grades? I answered that I will encouraged him/her to continue. Failing is part of life and all we have to do is to accept, go forward and strive harder.

I understand what Sir Ralph has said. Hindi naman pwede na basta siya magpapasa ng estudyante kung walang effort ang bata. It should be working on both sides.

Nakatayo lang ako sa labas ng faculty room nang magbukas ang pintuan at lumabas ang parent na kausap kanina ni Sir Ralph. Napatingin ito sa akin at bumati na agad kong binati pabalik.

Nang makaalis ang parent, tumuloy na ako sa loob ng faculty room at nadatnan doon si Sir Ralph na abala sa pag-check ng mga papel.

"Magandang umaga, sir," bati ko sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin at napatayo.

"Nand'yan ka na pala. Magandang umaga rin..." sabi niya at napakamot sa batok niya, mukhang may sasabihin pa kaya naghintay ako.

He looks at me and cleared his throat. "Nakapag-almusal ka na ba?" tanong niya kaya bahagya akong natigilan na mukhang napansin din niya.

"Uhm, naparami kasi 'yong luto ko kanina... a-akala ko kasi dadating 'yong kapatid ko pero, ano... hindi natuloy kaya ito, may dala ako..." sabi niya at napaiwas ng tingin. May kinuha siya sa bag niya at nakita kong naglabas siya ng tupperware na may laman ngang pagkain doon. Mukhang bagong luto pa.

"Uhm..."

Ang totoo, nag-almusal na ako pero, habang nakatingin sa itsura ni Sir Ralph, parang nagutom ulit ako. I mean... mukhang masarap kasi 'yong luto niya kaya nagutom ulit ako. Ayon nga.

Tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti. "Gusto mo?"

I gulped and calm myself before flashing a smile at him. "Mukhang masarap, Sir pero, sure kang ibibigay mo sa akin?"

He raised his brows and nodded. "Of course, it's for you..." he cleared his throat again. "I mean, sa 'yo na lang. Take it and eat. May oras pa naman bago magklase," aniya at nauna nang tumungo sa mesa ko at siya na mismo ang naglapag ng pagkain doon.

He turned to me and motioned the table. "Eat well," aniya at ngumiti na naman.

His Missing Piece (MBS #3)Where stories live. Discover now