20.

77 2 0
                                    

Mabilis nagdaan ang mga araw. Sa mga araw na libre ako ay pinupuntahan ko si Lorrie sa bahay niya para bumisita. Sinasama ko rin si Kuya Yael minsan para may kasama ako pag-uwi.

Ngayon ay sabay kami ni Lorrie uuwi. Pinuntahan ko siya sa clinic para sabayan sa pag-uwi pero, bago 'yon ay nagpasya kaming kumain ng hapunan sa labas.

"Kumusta?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami patungo sa kainan na lagi naming kinakainan.

"Ayos lang naman. May handaan kanina dahil kaarawan nung isang katrabaho. Ikaw ba?" Tanong nito sa akin at napasinghal ako nang maalala ang naging araw ko.

Jusko! Pagpasok ko sa school kanina, nakita ko 'yong dalawang estudyante doin at naghaharutan! Nagsusubuan ng corndog na naibili sa canteen! Nai-stress ako lalo nang pagdating ko sa classroom, narinig ko ang dalawang estudyante ko, sabi ba naman nung lalaki...

"May crush ako, ikaw 'yon Abi."

Gulantang ako dahil sa lakas ng loob mag-confess nung estudyante ko. Take note, grade 5 palang 'yan!

Tawa nang tawa si Lorrie habang nagkukwento ako at sinabi niyang hayaan ko na daw dahil gano'n ang kabataan ngayon. Nang makarating sa kainan, ako ang nag-order para sa amin. Nagkuwento ako ng naging experience ko sa bagong trabaho nang mapansin na tahimik si Lorrie.

Napansin kong nakatingin siya sa iisang lugar kaya sinundan ko 'yon at agad nanlaki ang mata ko.

"Oh, shit! Ano, Lorrie? Ipabalot na lang natin ito?" Tarantang sabi ko pero bago pa man ako makakilos ay lumapit na ang lalaki at kinausap si Lorrie.

Wala na rin kaming nagawa nang maupo si Jeon sa tabi ng kaibigan ko. Nang tingin ko ang itsura ni Jeon, pansin ko ang kagustuhan nitong makipag-usap. Tumayo na lang ako at nagpaalam sa kanila na magbabanyo lang.

I think they should talk.

Nang makapunta sa banyo ay hindi ko inalis ang tingin sa dalawa. I saw Jeon trying to talk to Lorrie. What's with him? Why the sudden urge to talk to Lorrie?

Habang pinapanood sila, narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Inalis ko ang tingin sa kanila at sinilip ang phone ko.

From: Ma'am Yula

Ma'am Yanah, sama ka daw sa conference sa isang linggo. Imbitado ang school natin at isa ka sa pinili ng principal na sumama.

Come at the office tomorrow and she'll talk to you

Napatigil ako at napasandal sa pinto ng banyo. Conference... seminar... I remember him again. Napapikit ako nang maramdaman ang pagkirot ng puso ko. Unti-unti ay tumulo ang luha ko nang maalala na naman lahat.

Ralph, where are you? You're still alive, right? You will not leave me, love, right? I know, you're still there. I'm putting my trust in you, love. You're still there and I will still make up to you.

Hindi ko na nasundan ang nangyari no'ng gabing 'yon. Paglingon ko ay wala na sila Lorrie kaya nagmadali akong lumabas para sundan sila pero, wala na sila doon.

Tumungo ako sa bahay ni Lorrie pero, hindi pa ako nakakalapit, nakita ko si Jeon doon sa labas ng pintuan niya. Natulos ako sa kinatatayuan nang makita ang sitwasyon ni Jeon.

His knocking desperately at the door and it confirms that Lorrie is inside.

Hindi na ako lumapit at hinayaan na lang sila. Nag-text ako kay Lorrie para sabihing nandito lang ako para sa kaniya.

Umuwi ako nung gabing 'yon at nakatanggap ng chat mula sa group chat na ngayong gabi na daw kami magmi-meeting para sa conference sa susunod na linggo.

Naabutan ko si Kuya Yael na umiinom ng kape at nanonood ng TV.

His Missing Piece (MBS #3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora