02.

107 8 0
                                    

I stayed home all day while my brother went to his work. Paulit-ulit pa ang bilin niya kaya ako na rin ang nagpumilit na pumasok na siya dahil baka mahuli pa siya sa trabaho.

Habang mag-isa at gumagawa ng gawaing-bahay ay sumagi sa isip ko ang paghahanap ng paaralan na pwede kong pag-applyan para makapatrabaho ako. Tinapos ko muna ang paghuhugas ng pinggan at pagsasaing bago ako dumiretso sa kwarto at kinuha ang laptop ko na pinag-ipunan ni kuya noon.

Binuksan ko ang system ng laptop at agad pinindot ang Chrome. Nagtipa ako at hinintay ang mga resulta. May mga hiring akong nakita pero, labas na sa Calamba kaya sinubukan kong ulitin ang pag-search pero, naglagay ako ng salitang "in Calamba".

Lumabas ang iilang paaralan na pamilyar sa akin hanggang sa makita ko ang paaralang pinasukan ko noong high school ako. Halos tumalon ang puso ko nang makitang hiring din sila. Hindi na ako nagdalawang isip na pindutin ang hyperlink na naroon at agad akong idinirekta sa website ng school.

Naroon ang detalye at mga requirements para sa nasabing propesyon. Hiring sila ng instructor, janitress, canteen helper at maging gwardya.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at kinunan ng litrato ang nakasulat na requirements para maihanda ko. Nag-open ako ng panibagong tab at nag-log in sa facebook account ko. Hinanap ko rin doon ang page ng school at gaya ng sa website ay nakita ko rin ang isang post na hiring nga sila.

As hours goes by, I busied myself completing the requirements and preparing my resume. Tumatawag din ang kuya ko na agad kong sinasagot dahil baka biglang umuwi 'yon kapag hindi ako sumagot.

Sumubok ako sa pag-contact sa school at nagulat nang agad nilang tinugon ang mensahe ko. Anila'y pwede raw akong pumunta sa school para mas makilala nila ako at doon na rin titingnan ang papeles ko.

When my brother got home, surprisingly not drunk, I told him what happened that day.

"Magtatrabaho ka?" tanong niya nang sabihin kong may nahanap akong paaralan na pwede kong pasukan.

"Oo, kuya. 'Yong dating pinasukan ko din. Mas kabisado ko sa school na 'yon kaya doon ko pinili. Pinapapunta nila ako doon para daw makilala at matingnan ang resume ko," paliwanag ko at naglakad patungo sa kanya. Kinuha ko ang sapatos ni kuya at nilagay sa shoe rack.

"Wala namang kaso sa akin kung balak mong magtrabaho na. Ang akin lang, ha? 'Wag mong papabayaan ang sarili mo," sabi niya na ikinalambot ng puso ko.

"Oo, kuya. Hindi ko naman kinakalimutan ang mga bilin mo."

I went to the school the next day and the moment I entered the school premises, nostalgia came. Naalala ko ang mga panahong estudyante pa ako at pumapasok pa. Pang-umaga ako noon at mahilig akong pumasok nang madilim pa dahil gustong-gusto kong naaabutan ang sunrise mula sa terrace ng building namin.

Tiningala ko ang building kung saan naroon ang classroom ko noong grade 10 ako. Sa ikatlong palapag ang room ko at mula doon ay natatanaw ko ang sunrise kaya naman gustong-gusto ko doong pumwesto. Pagdating pa lang, lapag agad ng bag at pwesto sa terrace.

Ah, nakaka-miss.

Dumiretso ako sa faculty room kung saan daw naroon ang gurong kakausap sa akin. Naroon daw ang head teacher kaya dumiretso ako.

May mga teacher pa rin kaya ako noon na nagtatrabaho pa rin dito?

Nang makarating sa tapat ng faculty room, agad akong huminga nang malalin bago kumatok at bahagyang binuksan ang pintuan. Sumilip ako at agad natuwa nang makita ang iilang pamilyar na guro.

"Magandang umaga po," bati ko na ikinalingon nila. Ngumiti ako sa kanila. "Nandito po ako para mag-apply po bilang instructor dito sa campus. Dala ko po 'yong mga requirements at papeles ko po," panimula ko at napangiti nang matanaw ang dating guro na nanliliit ang mata habang nakatingin sa akin, parang kinikilala pa ako.

"Ms. Olivas, ikaw na ba 'yan?" tanong ng guro ko noong Grade 9 na si Ma'am Torres.

"Hello, Ma'am Torres! Long time no see!" magiliw na bati ko.

"Estudyante mo, Ma'am?" tanong ng kapwa niya guro.

Agad namang tumango ang dati kong guro at napangiti sa akin. "Oo, Ma'am. Estudyante ko noon. Nako! Hindi ko akalain na makikita ulit kita. Kumusta na, hija?"

Magana kong sinagot ang tanong ni Ma'am Torres. Mukhang natutuwa ito habang pinapakinggan ako at nang marinig ang pagpasa ko sa board exam ay napapalakpak pa at agad na ipinagmalaki sa mga kapwa guro na dati raw niya akong estudyante.

"Hija, maupo ka muna dito at patingin ako ng folder na dala mo." Mabilis akong sumunod nang magsalita ang head teacher. Siya ang nagtanong kanina kay Ma'am Torres kung estudyante daw ba ako nito dati.

"Nakalagay nga dito na nagtapos ka sa paaralang ito. Ibig sabihin, kabisado mo na ang mga patakaran at regulasyon dito," aniya habang tumatango-tango.

"Anong major mo, Ms. Olivas?"

Ipinagsalikop ko ang palad bago binasa ang ibabang labi. "Major in Filipino po, Ma'am," sagot ko.

"Maganda ang credentials mo, hija. Consistent Dean's lister ka pa noong kolehiyo. Ang dami mo ring academic awards..." Nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Sa paaralang ito, hindi kami naghahangad ng sobrang talinong guro. Ayaw namin na pine-pressure ang mga estudyante dahil hindi kompetisyon ang pag-aaral. Ayos na sa amin ang isang guro na kayang ipaintindi sa estudyante na iba't iba ang kapasidad ng tao sa pagkatuto at sa palagay ko ay isa ka sa gurong hinahanap namin, hija." Napahigpit ang kapit ko sa palad ko nang marinig ang sinabi patungkol sa akin.

"Kung ako ang huling magdedesisyon, tanggap ka na, hija pero, kailangan muna nating idulog sa prinicipal ang mga papeles mo at siya ang magi-interview sa 'yo para makapagdesisyon kung tatanggapin ka ba bilang guro sa paaralang ito pero, sigurado naman akong tatanggapin ka niya, hija."

Hindi magkamayaw ang saya sa puso ko habang pinapakinggan ang papuri na sinasabi para sa akin. Gusto kong tumalon sa tuwa pero, pinigilan ko dahil hindi pa naman pinal ang desisyon. Idudulog pa sa punongguro ng paaralan ang application ko at panigurado'y maghihintay pa ako ng resulta.

Gayunpaman, masaya ako na na-recognize ng ilang guro ang mga naabot ko. Masaya ako na naipakita ko sa dating guro katulad ni Ma'am Torres na ang estudyante niya ay unti-unti nang inaabot ang pangarap.

"Pero, bago ang lahat, may isang tanong lang ako muna ako bilang head teacher ng paaralang ito," aniya kaya bahagya akong natigilan.

She smiled at me.

"What would you do if a student fails in your class?"

Natigilan ako sa kanyang tanong pero, agad ding nakabawi. Umayos ako ng upo at bahagyang ngumiti.

"Ma'am, naniniwala po ako na normal sa isang estudyante na mabigo sa klase. Normal para sa ating lahat. We can't avoid the fact that we have students who's in the verge of failing, it's a part of growing up po. Failing in class doesn't mean, you already failed your future. Kaya nga po ilang taon tayong nag-aaral ay para mabawi ang mga pagkakataon na nabigo tayo..." litanya ko.

"Kung matatanggap man po ako, sigurado akong makakaengkwentro ako ng ganyang sitwasyon. Ang tanging magagawa ko po ay kumbinsihin ang estudyante na magpatuloy sa halip na pagalitan dahil gaya po ng sabi ko, parte ng buhay ang pagkabigo."

Silence filled the room. Kinakabahan pa ako dahil baka may mali akong nasabi pero, nang makita ang ngiti sa mukha nila, napanatag ako.

"Ipinagmamalaki ko talagang naging estudyante kita, hija," ani Ma'am Torres na humaplos sa puso ko.

"Sir Madrigal, what can you say?" The head teacher suddenly said, making me shift my gaze at her. Nakita kong nakatingin siya sa isang direksyon kaya nilingon ko 'yon.

Isang lalaking matangkad na nakasuot ng itim na longsleeve na nakatupi sa siko at itim na slacks ang naroon sa may pintuan, nakasandal at nakahalukipkip.

Natigilan ako nang mapagtantong pinapanood niya pala ako. Mukhang napansin din niya na sa kanya nakatuon ang mata ko at unti-unti ay may sumilay na ngiti sa labi niya.

"I'm impressed, Ma'am," nakangiting sabi niya habang nakatingin diretso sa mga mata ko.

His Missing Piece (MBS #3)Where stories live. Discover now