07.

70 2 0
                                    

I should be sleeping right now but, here I am, staring at my phone, wondering how did Ralph got my number. I know, some people would tell me not to make it a big deal but, how? It's the man I like who texted me!

Oo na, aminado naman na ako na gusto ko si Ralph. Hindi ko na maalala kung kailan ang huling beses kong maramdaman ang kilig pero, wala naman sigurong masama kung magkagusto ako sa kapwa guro ko? Hindi naman magiging sagabal sa trabaho ko 'yon at wala namang rule sa school na bawal makipag-date ang teachers.

Kaya ito ako, hindi nakatulog dahil nagtataka pa rin kung paano niya nakuha ang number ko.

I was busy wondering when my phone beeps.

From: Sir Ralph

Still awake?

Ganito pala 'yung pakiramdam na may crush ka ulit? 'Yung kahit ilang segundo mi lang makita ang pangalan niya, kakabahan ka na agad at kikiligin. Isang text lang, gusto mo nang tumili.

From: Sir Ralph

I'm sorry for the random texts. Nasa byahe na kami ng mga kapatid ko pauwi ng San Pedro :)

And that smiley! Paano ko pa pipigilan kilig ko niyan?

I put down my phone to calm myself first before clearing my throat and started to type a reply.

To: Sir Ralph

Hi, sir! Yes, gising pa naman ako. May chine-check lang. Ingat pala kayo sa byahe niyo!

I hit the send button and bit my lower lip. Tama ba 'yung reply ko? Hindi ba boring? Dapat ba nilagyan ko rin ng emojis?

My phone beeps again.

From: Sir Ralph

Ano 'yung chine-check mo? Do you need help?

I bit my lower lip to stop a smile.

To: Sir Ralph

No need, sir. I'm just checking something on the internet. May pinapatingin kasi 'yung kuya ko :)

Ayan, naglagay na ako ng emoji. Okay na kaya 'yan? Saka, itatanong ko ba kung saan niya nakuha 'yung number ko? Kaso, nakakahiya naman pero, kasi gusto ko ring malaman.

Muli kong nakita ang reply niya kaya tinuon ko ang atensyon sa phone ko.

From: Sir Ralph

Alright, if you need help, just tell me.

By the way, just call me Ralph. Wala tayo sa school kaya ayos lang na tawagin mo ako sa pangalan ko at gano'n din ako sa 'yo.

Ngumuso ako para pigilan ang malawak na ngiting gustong kumawala sa labi ko. Napadapa ako sa kama at ibinaon ang mukha ko para pakawalan ang tili na gusto kong ilabas.

'Yung puso ko!

Tumigil ako sa pagtili at napaayos ulit ng higa bago tumitig sa kisame. "Itatanong ko ba?" bulong ko. "Nakakahiya kasi kung itatanong ko..." bulong ko muli at tumagilidng higa. "Pero, wala naman sigurong masama kung itanong ko. Curious lang ako," sabi ko sa sarili.

"Itanong mo na." Napasigaw ako sa gulat at napabalikwas nang marinig ang boses ng kuya ko. Paglingon ko sa kaniya ay nakita kong nandoon siya sa may pintuan ng kwarto ko at mukhang kakarating lang galing sa trabaho.

"K-kuya... kanina ka pa d'yan?" tanong ko.

Kuya Yael shook his head and went to me. "Hindi naman, naabutan ko lang naman ay 'yung pagkausap mo sa sarili mo," sabi niya at may inabot sa aking plastic. "Ito pala, kainin mo kapag nagutom ka. Pagkain namin 'yan kanina, inuwi ko na para sa 'yo since hindi naman ako kumakain ng matatamis," sabi niya at nang buksan ko ang plastic ay tumambad sa akin ang box ng donut kaya napangiti ako at kaagad na sinunggaban ng yakap si Kuya Yael.

His Missing Piece (MBS #3)Where stories live. Discover now