04.

87 2 0
                                    

Prayers are really powerful. It only proves that He listens because, when I woke up on Sunday morning, a call started my day. Papungas pungas pa ako noon pero, nang marinig ang sinabi ng tumawag ay nagising ang buong diwa ko.

"P'wede na po kayong magsimula sa susunod na linggo. Your schedules, subjects and advisory class will be send to you in a minute. Congratulations, Ma'am Olivas."

Ma'am Olivas. What a music to the ears.

Buong araw maganda ang mood ko dahil sa balitang natanggap. Sa sobrang ganda ng mood ko, nalinis ko ang buong bahay at nagluto ako ng pagkain namin ni kuya. Naglaba din ako ng mga damit para mabawasan ang lalabhan ko sa susunod.

Nang matapos lahat ng ginawa ko, napaupo ako sa upuan at kahit pawisan na ay may ngiti pa rin ako sa labi. Sinilip ko ang oras at nakitang alas-syete na ng gabi. Parating na si kuya at hindi na ako makapaghintay na sabihin sa kaniya ang magandang balita ko.

Ilang minuto akong naupo doon hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng bahay kaya napatayo ako at malawak na napangiti nang makita si Kuya Yael na papasok.

"Kuya, hello!" masiglang bati ko sa kapatid na mukhang nagtaka nang makita ang masigla kong mukha.

"Saya mo yata," puna niya. Akmang yuyuko siya para kunin ang hinubad na sapatos nang mabilis akong lumapit para kunin ang sapatos niya.

"Ako na d'yan, kuya," sabi ko at kinuha ang sapatos niya. Pati ang bag na dala niya ay kinuha ko na rin at nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay halata ang gulat at pagtataka sa mukha niya.

"Anong meron?" nanliliit ang matang tanong niya.

"Mamaya ka na magtanong, kuya. Ang mabuti pa, magbihis ka muna at ihahain ko na 'yong pagkain mo," sabi ko sa kaniya at tinalikuran na siya. Inilapag ko ang bag niya sa sofa at ipinatong ang sapatos niya sa may shoe rack bago ako tumungo sa kusina.

Inihain ko ang mga plato, baso at kutsara. Sinandukan ko na rin ng kanin at ulam si kuya at sinalinan ng tubig ang baso. All prepared.

Sumasayaw sayaw pa ako habang naghahain at nagulat nang makita ang kapatid kong naroon na pala at mapanuri ang tingin sa akin.

"Kain na, kuya!" aya ko sa kaniya.

"May boyfriend ka na ba, Aryanah?" striktong tanong niya na nagpatigil sa akin. Kunot noo ko siyang tiningnan at agad akong umiling.

"Boyfriend? Wala ah! Bakit mo naman naisip 'yan?" tanong ko at iminuwestra sa kaniya ang upuan. Walang imik na tumungo doon si kuya bago niya ako muling binalingan.

Naupo ako sa upuan ko at nginitian siya. "Mas higit pa sa boyfriend ang dahilan ng sigla ko ngayon, kuya," sabi ko. Hindi siya sumagot pero, kita kong hinihintay niya ang idudugtong ko.

Hindi maalis ang ngiti sa labi ko bago ako huminga nang malalim at nagsalita.

"Natanggap ako sa pinag-apply-an kong school!Magsisimula na akong magturo sa susunod na linggo!" masayang sabi ko.

Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ni kuya. Ang kaninang seryoso at nagtatakang mukha ay napalitan ng gulat at kasiyahan. Natawa ako nang tumayo siya at yumakap sa akin.

"Natutuwa ka ba, kuya? 'Diba? Sabi sa 'yo eh, higit pa sa pagkakaroon ko ng boyfriend ang dahilan ng saya ko," sabi ko at yumakap sa kuya ko.

"Sana napasaya din kita, Kuya Yael," bulong ko at naramdaman ko ang paghinga nang malalim ni kuya.

"You always made me proud, sis. I'm sure, Mama and Papa's also proud of what you've become."

That is enough for me to strive harder and continue working on my dreams. Despite the hardships, I manage to walk continously towards my dream job. My family's my one big motivation to continue and I never wanted anything but, to only see happiness in their eyes and I'm glad that I'm witnessing it right now.

Days goes by until, my first day on work came. Nagpresinta ang kuya ko na ihatid ako sa papasukang paaralan bago daw siya dumiretso sa trabaho dahil iisa lang naman ang daan namin. Pumayag na rin ako para iwas hassle na rin.

Nagsuot ako ng simpleng blouse at maayos na slacks. Pinares ko dito ang isang pumps na matagal ko ring hindi nasuot dahil wala naman akong masyadong pinupuntahan. Inayos ko ang buhok ko at tinapos ang pag-aayos.

I stared at myself at the mirror and slowly, a smile formed across my lips.

"Ma'am Aryanah Olivas, it's your first day and you will do great. Believe in yourself."

Paglabas ko ng kwarto ay naroon na si Kuya Yael na naghihintay sa akin. Tumayo na siya nang makita ako kaya mabilis akong lumapit sa kaniya.

"Tara na, kuya!" Kumapit ako sa braso ng kapatid ko habang palabas kami ng bahay. Naroon ang motor niya na nakaparada na agad naming nilapitan.

"Magpapasundo ka rin ba mamaya pag-uwi mo?" tanong ni Kuya Yael habang inaayos ang helmet sa ulo ko.

Napasimangot ako. "Papasok pa lang ako pero, bakit tungkol na sa pag-uwi ko 'yang tanong mo?"

Bahagya niyang kinatok ang helmet at inirapan ako. "Kaya ako nagtanong para alam ko kung magpapaalam ba ako o hindi. Ikaw talaga, pilosopo mo," masungit na sabi niya kaya hindi ko napigilan ang pagtawa.

"Ito naman! Umagang-umaga, ang sungit mo. Smile na para gwapo ka," lambing ko sa kaniya. Inirapan lang ako ng kapatid ko bago pinasakay sa motor niya.

Hinatid ako ni kuya hanggang sa tapat ng gate ng CNHS. Napangiti agad ako nang makita ang mga estudyanteng papasok sa loob ng paaralan. Tinanggal ko ang helmet at inabot kay kuya.

"Goodluck sa unang araw mo," sabi ni Kuya Yael sa akin. Nakangiti akong tumango sa kaniya at humalik sa pisngi niya bago ako nagpaalam na papasok na.

Bumati ako sa gwardya na napangiti rin nang makita ako. Dumiretso na rin ako sa faculty office at pagdating ko doon ay naabutan ko si Ma'am Torres at si Sir Ralph na nag-uusap. Ang pagbukas ng pintuan ang nagpaangat ng tingin nila.

Agad akong ngumiti. "Magandang umaga po," bati ko sa kanilang dalawa. Agad ngumiti pabalik si Ma'am Torres at lumapit sa akin.

"Ma'am Olivas! Napakasaya ko na dito ka na magtatrabaho!" sambit niya sa akin.

"Masaya din po ako, ma'am," sagot ko at nilingon si Sir Ralph na nakasandal sa mesa niya at pinapanood kami. Nang magtama ang tingin namin ay agad siyang ngumiti sa akin kaya napangiti ako pabalik.

"Magandang umaga, Sir Ralph," bati ko sa kaniya.

Tumango siya sa akin habang may ngiti sa labi. "Magandang umaga rin, Ma'am Yanah," bati niya pabalik.

"Nako! Nakakatuwa naman na ang dalawang paborito kong estudyante ay nandito!" ani Ma'am Torres. Napatingin ako sa kaniya, bahagyang nagulat.

"Itong si Miss Olivas, estudyante ko noon at nako, napakagaling na bata! Nakita ko ang mga pagsisikap mo, hija at masaya ako na isa ka na ngayon sa makakatrabaho ko! Ito namang si Sir Madrigal, hindi ko man estudyante noong estudyante pa siya pero, noong baguhan siya dito, para ko na ring estudyante dahil ako ang nagsilbing guide niya dito!" masayang aniya.

"Kung wala po kayo, baka mahirapan ako sa pag-adjust. Thank you for helping me and Miss Olivas, Ma'am," Sir Ralph answered with a smile on his face.

Ma'am Macaraig arrived a minute later and she talks to me about rules inside the school premises, most especially, inside the classroom. She reminded me that if a student has concerns, I need to take actions and if it's too serious, I need to make them know about it. She sents me good luck before she told me to go to my first class.

Itinuro na rin sa akin ang magiging table ko kaya inilapag ko na doon ang bag na dala ko at ilang gamit. Kinuha ko lang ang kakailanganin ko para sa first subject ko ngayong umaga.

I walk towards the door when I felt a presence beside me. Nilingon ko 'yon at nakitang naroon si Sir Ralph kaya ngumiti ako.

"May class ka na, sir?" tanong ko sa kaniya. Pinasalamatan ko din siya nang buksan niya ang pinto para sa akin bago siya sumagot.

"Meron. Math subject and I believe, our class is just beside each other. Bakit hindi na tayo magsabay papunta doon?" he asked me with a small smile in his lips and I found myself smiling back.

"Why not, sir?"

His Missing Piece (MBS #3)Where stories live. Discover now