26.

75 3 0
                                    

Early in the morning but, here I am, in front of the stove. Wala pang gising sa mga kasamahan ko pero, ayos lang. Ako na lang ang magluluto ng makakain naming lahat. Today is our rest day and tomorrow, the teaching will start.

I was humming while preparing our breakfast. Sinabayan pa ng huni ng ibon ang ganda ng mood ko kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

"Done!" I exclaimed when the breakfast is cooked. Hinanda ko na rin ang mga plato at kutsara para kapag nagising ang mga kasama ko ay kakain na lang sila.

"Yanah?" I was a bit startled but, when I turned around, the smile on my face returns.

"Magandang umaga, Yula!" bati ko bago bumalik sa ginagawa.

"Ganda ng mood mo, ah," puna niya pero, hindi ako umimik at pinanatili ang ngiti sa labi. I started humming again, even swaying my hips but, I scream in shock when someone slaps my back.

"Yula!" Reklamo ko at napahawak sa likod ko na hinampas niya. "Bakit ka ba nanghahampas?" Tanong ko.

Napailing siya at inirapan ako. "Pasayaw-sayaw ka d'yan tapos, may pahuni-huni pa. May nangyari ba?" Tanong niya at tumayo para tabihan ako. Nakita kong napatigil siya nang mapansin ang pinagkakaabalahan ko.

"Bakit ka naglalagay ng pagkain sa tupperware? Saan mo dadalhin 'yan?"

I smiled sheepishly. "Secret," sabi ko pero, isang hampas na naman, hindi na sa likod kundi sa braso na, ang natanggap ko. "Ano ba?! Makahampas ah!" Pinanlakihan ko siya ng mata pero, muli niya akong inirapan.

"Pa-secret secret pa. Doon sa tricycle driver mo dadalhin 'yan, 'no? Crush mo ba 'yon?" Namewang siya at parang nanay na handa na akong pagalitan.

Sus, kung alam mo lang. Hindi ko crush 'yon, boyfriend ko 'yon eh.

"Aryanah! Crush mo ba 'yon? Sino nga ulit 'yon? Ah, si Mon! Oo, ayon! Crush mo ba?"

Napabuntonghininga ako. "Alam mo, pwede ka nang ipalit sa kuya ko. Pinagalitan na nga ako no'n kagabi tapos, ikaw naman ang daming tanong. Pag-untugin ko kaya kayo?"

I manged to contact my brother last night. Gaya ng sabi ni Ralph, may signal sa area nila kaya naman natawagan ko ang kapatid ko at nang sagutin ng kuya ko ang tawag, pinagalitan niya ako.

Bakit daw hindi ako tumatawag? Bakit daw hindi ko sinasagot ang texts at calls niya? Ano daw ba ang nangyari? Nag-alala na daw si Lorrie dahil hindi ko rin kino-contact. Ang daming tanong ng kuya ko pero, naipaliwanag ko sa kaniya na walang masyadng signal sa lugar kasi nga liblib.

Nang tanungin niya ako kung paano ako nakatawag gayong walang signal, ayon! Sa sobrang lutang ko dahil sa mga nalaman, nasabi ko ang nangyari. Nasabi ko na kakahanap ko ng signal, nahablutan ako ng cellphone kaya ayon, may part 2 ng scolding session.

Hindi ko rin nagawang banggitin sa kaniya ang tungkol sa pagkikita namin ni Ralph dito. Selfish na kung selfish pero, gusto ko munang makasama si Ralph nang kami lang. Gusto ko munang bumawi sa kaniya. Gusto ko munang makaalala siya para hindi mag-alala ang pamilya niya.

Mali ang desisyon kong itago ang totoo pero, gusto kong makabawi muna. Kapag gumaling si Ralph, ako na ang magsasabi sa kanila. Pangako ko 'yan sa sarili ko.

"Natulala na, wala na," narinig kong komento ni Yula kaya napakurap ako.

"May sinasabi ka ba?" tanong ko sa kaniya at ipinagpatuloy ang pagbalot ng pagkain na dadalhin ko sa bahay nila Ralph.

"Crush mo 'yong Mon na 'yon, tama? Nako, sinubukan kong kausapin 'yon pero, ang tipid magsalita!" Reklamo niya na nagpatawa sa akin. Tahimik ako hanggang sa may maalala ako. Mabilis kong hinarap si Yula.

His Missing Piece (MBS #3)Where stories live. Discover now