TEASER PREVIEW

90 9 1
                                    


I can't really remember a huge fight that happened between us. Ang tanging naiisip ko lang ay yung mga araw na palagi ko siyang kasama. Mula sa pagpasok hanggang sa pag-uwi galing eskwela.

Those small arguments, away bata lang naman.

Maliliit na mga senaryo lang ang aking naaalala sa aking pagkabata, karamihan ay nabura na sa tinagal ng panahon. At wala rin akong matandaan ng matindi naming pinag-awayan.

So that's what I'm thinking right now.

You stopped throwing the darts on your target, looking at me with no emotion. "What are you doing here?" at malamig na baritono ng iyong boses ang aking narinig.

Malalim akong humugot ng lakas para makapagsalita ng diretso. "Uhm, si tita kasi e. In-invite niya ako for lunch, hindi ko mahindian," I said, trying to be cool.

Umarko ang kilay at labi mong waring sumang-ayon. "Okay," pero iyan lang ang iyong naging tugon.

I wanted to sink in shame because of you.

However I tried to act cool. Magkaibigan pa rin naman tayo di 'ba?

Katulad noon, walang hiya hiya.

"Naglalaro ka pa rin pala niyan. Sabi na e, hindi ka pa rin nagbabago Koy. Ikaw pa rin yung Koikoy na kababata ko noon," magiliw na pagsisimula ko ng usapin sa pagitan natin.

Ngunit pagngisi mo ang lalong nagpakaba sa akin. "Really?"

Seems like you don't want my presence now.

Bigla ay nagbago ang iyong awra. Ngumisi ka na parang abot langit ang iyong tuwa.

At unti-unti, lumapit ka sa 'kin, mata mo'y sa akin lang nakatingin. Hindi pa rin nawawala ang iyong ngiti at natapos iyon sa pagkulong mo sa akin sa pader gamit ang isa mong braso.

"Sorry but no. The thing is..." gumuhit muli ang ngisi sa iyong labi.

Ako nama'y hindi na mawari ang kabang nararamdaman dahil sa bigla mong ikinilos.

"Hindi na ako yung Koikoy na kababata mo noon."

At that moment, I don't know what to feel. Palagay ko'y may malalim na ibig sabihin ang kataga mong iyon.

Tumagal ng ilang segundo ang ganoong set up natin, ang tingin mo ay parang tumatagos na tila ba may galit at pagkamuhi ka sa 'kin.

Hindi na nga ba?

Hindi na nga ba ikaw si Koikoy na kababata ko noon?

Yes. Malaki na nga ang pinagbago mo. Mula sa panlabas na anyo malayo na sa musmos na batang Koikoy noon.

And then, our world turned up side down.

Kung may magbabago ulit sa atin, will we go back in time?


Kung may magbabago ulit sa atin, will we go back in time?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


ALL RIGHTS RESERVED

Back in time (On Hold)Where stories live. Discover now