Chapter 7 - Don't want to talk about him

27 5 0
                                    

"Sabay kayong umuuwi?"

"Ah, yeah. Recently lang, pinasasabay na siya ni ate Jasmine since hindi pa siya pwede magdrive."

At ako na lang ang hindi nakakaalam?

"Sakay na. Continue your talks inside," as usual, maotoridad na utos ng aming kapatid.

Pero ako, hanggang sa pagsakay ko ay nagtatanong ang aking isip kung bakit. Bakit ganito? Bakit parang ako yung hindi close? Bakit parang ako yung wala lang, hindi kasali, hindi kasama sa usapan dahil wala lang ako. Why?

Bakit parang neglected na ako sa buhay mo?

Natatanong ko iyan sa aking isipan habang kaharap ang passenger seat na inuupuan ng lalaking nagpapabaliw sa akin ngayon. And as I sit quietly at the back katabi si Janine unti-unti kong napatutunayan na they have gotten close. At ako? Wala nakisali lang.

"Sana lang hindi ka masama sa choices ng magiging candidate and representative ng first year. Ang lakas ng magiging laban niyo if ever."

"Don't worry, I'm not planning to join too."

"Panindigan mo 'yan ha. Koy I'm counting on you."

"Of course."

"Stop it Ja. You're being competitive pero wala sa lugar."

"Okay, I'm sorry. Kasi naman, hindi pa pumapayag si Ren to be our candidate e. Jamie..."

Gusto ko na sanang takasan ang masayang pag-uusap nila pero nakahanap na naman ng way si Janine maisali ako. Mapangdamay talaga e.

"Jamie sige na, kausapin mo lang si Ren for me. Promise ako magkukumbinsi, samahan mo lang ako."

"Why would you do that anyway? Bakit kailangan ikaw mamilit?"

"Hindi naman sa gano'n. We decided na ako na lang ang kumausap kasi kung madami kami baka mailang siya o mainis."

Sa kagustuhan ko na lang na manahimik siya ay pumayag ako para hindi na ako masali pa sa usapan nila.

"Yey! Thank you bunso. Mwaah."

"Ano ba ate!" sa taranta ko ay bahagyang naitulak ko pa si Janine dahil sa payakap niya.

"Wala ka talagang kalambing-lambing sa katawan Ja, sus."

Hayy, Lord please lang ilayo niyo na po ako dito sa isang ito. No, dito sa tatlong ito. I can't bear makasama sila sa iisang sasakyan. I feel so betrayed.

When we arrived ay agad akong bumaba para pagbuksan ang ate ng gate. But he got off the car too kaya naman napabagal ako dahil nasa unahan ko siya.

Nang makarating naman kami sa tapat ay inabot ko na ang gate nang bigla niya akong tawagin.

Pero sa ibang paraan.

"Hoy! Huwag mo na ibalik yung panyo," and he walks away.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Back in time (On Hold)Where stories live. Discover now