Chapter 9 - Something to her

26 4 0
                                    


"Mom please, you don't have to do that. Let Jamie out of here."

Wow! Paalisin daw ako?

Tita glanced at me in shy. "Ano ka ba naman Kyler!" pagpalo nito sa braso niya. "If wasn't for Jamie hindi ko pa malalamang masama na ang pakiramdam mo. Huwag ka nang magmaktol at sumunod na lang."

Nangisi ako sa senaryong iyon. Ang isang anak talaga, hindi pa rin mawawala ang fact na kahit anong sabi mo sa sarili na kaya mo na e isa ka pa ring anak na kakailanganin ang magulang kapag hindi mo na kaya.

Sumuko ang nagmamatigas na anak ni Tita nang makaramdam ng matinding sakit. Tingin ko ay nahihilo ito dahil sa lumulukot nitong mukha.

Tita did all her best to make Koy feel better. From checking his temperature, pakainin at painumin ng gamot. Tinulungan ko lang siyang palitan ang tubig sa basin, lagyan ng alcohol at hanapan ng light shirt si Koy na itinuro naman niya kung saan ko makikita.

He's sleeping in peace now, hindi na ito umuungol sa hilong nararamdaman unlike kanina.

"Nanibago yata siya sa panahon. Jamie, can you stay here? I'll just call someone."

"Sige po, Tita."

Lumabas siya at naiwan kaming dalawa. At ganoon na lang ang gulat ko nang bigla ay magmulat ito ng mata.

"I thought you were asleep," banggit ko habang hawak ang dibdib sa gulat.

"I am. Pero nakikiramdam pa rin ako," anito sa mahinang tono. "You don't need to be here, really. Naabala ka pa ni Mom."

I don't know if he's saying that because he's worried na naabala ako or he just want me to get out of his room. I'm thinking of the second thought.

"Umuwi ka na, Jamie. Gabi na, medyo malayo pa rito ang bahay niyo. Hindi kita maihahatid."

"Sino naman nagsabi sa 'yo magpapahatid ako? Saka dalawang liko lang naman."

"Call your driver to accompany you."

"Umuwi na 'yon si kuya Abel no. Hindi na niya pinagdadrive si Mom dahil sumasabay na siya kay Dad."

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?"

"Wow ha, ikaw nga itong matigas ang ulo kanina na ayaw magpaasikaso. Worried kaya si Tita sa 'yo."

"You make her worried. It's your fault."

"Napakasama mo talaga."

"Call Jasmine, nang makauwi ka na."

I rolled my eyes at tumayo na. Nakakainis ang lalaking ito. Kami na nga itong nag-alala sa kanya nagmamatigas pa.

"You always say her name," I whispered. But he heard it.

"She's your sister, you stubborn kid."

Pagak akong natawa sa sinabi niya. "Last time tinawag mo akong basang sisiw, ngayon naman stubborn kid? Pinanganak ka ba para magbigay ng ugly nicknames sa mga tao?!"

"Why 'you always talk too fast? Rapper ka ba?"

"Wala ka bang sakit? Ang daldal mo e."

"My head hurts just talking to you."

"Aba't! Nakakainis ka na ah."

He closed his eyes and took a deep breath. I thought hindi na siya mamamansin and chose to sleep.

"Don't make me worry about you. Go home, Jamie."

So I did.

Nagpaalam ako at nagpasalamat kay Tita sa masarap na niluto niya para sa dinner kanina. Though Koy didn't join us earlier, she thanked me being there at may nakatulong daw siya sa pag-aasikaso kay Koy.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 31, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Back in time (On Hold)Where stories live. Discover now