Chapter 6 - Am I missing something?

22 4 0
                                    

"Ano Jamie, may napili ka na bang organization na sasalihan?" Maki asked.

Nasa harap kami ng isang board kung saan nakalista rito ang iba't-ibang organization na pwedeng salihan ng mga estudyante.

Inalala ko yung sinabi ni Jasmine na sa academic and educational organization sumali si Koy, Jasmine too. So magkasama sila. Ayoko sa organisasyon na iyon pero tila hinahatak ako nito.

"I think sa academic organization ako mag-jojoin."

"Oh okay. Sakto naman sa 'yo dahil business course ka."

"Doon rin si Kyler di 'ba? At ang ate Jasmine mo. Okay ka ba ro'n? Uh, si Janine pala saan?" tanong naman ni Shyla.

Nahimigan kong nabigla siya sa unang tanong niya kaya parang agad niyang sinundan ng isa pang tanong, siguro ay para hindi kami magdalawang isip sa kung bakit magkasama ang dalawa.

Pero hindi ko naiwasan.

"Sa media and publication si Jani."

Ngayon napaisip ako kahit parang nagkataon lang naman siguro na doon gustong sumali ni Koy. Jasmine is in that organization ever since.

"Talaga? Doon na lang rin kaya ako?"

Sumagot si Maki na nagsimula nang lumakad patungo ng cafeteria. "Go Shyla, walang pipigil sa 'yo."

"Nga pala, I heard may ihohost daw silang event sa savano paradise. Gusto ko sanang magpunta. I want to go with you guys."

Parang tumalas yata ang pandinig ko nang marinig ang isa pang sinabi ni Shy. I stopped as I grabbed her arms. "Ihohost na event? When? What event?"

Hanep naman itong ate ko, magkakaroon ng night out, hindi man lang binanggit. I need to be there too. Kailangan makapagpaalam na ako kina Mom at Dad bago pa siya makapagpaalam. Because I know pahirapan pagdating sa akin ang magpaalam para lang makagala pero pag sila na ni Jasmine, no think twice.

"This coming Saturday. Homecoming daw ng isang alumni yung event."

"Wow interesting. Ano, Jam? Sama ka?" Maki asked.

"Sabi may band din daw na tutugtog."

Saglit akong nag-isip. If we go, hindi dapat kami makita ni Janine.

"But, how will you tell your parents? Gabi 'yon Jamie," Kaycee spoke.

Sa nakikita ko sa kanila mukhang desidido na agad sila, ako na lang ang problema.

"Hayy, ang hirap namang maging ako! Too hard to even have a sleep over with your house kahit sa iisang village lang tayo."

"Yeah. Minsan nakaka-offend ang parents mo, parang walang tiwala sa amin."

I look at Maki sighing, a moment of silence filled us at agad nilang narealized iyon because I didn't respond.

Maki pats my back as she face me. "I'm sorry, I didn't mean to say that."

"No, it's okay. Gets ko naman e," I said at nagpatuloy sa paglalakad. "At hindi ko talaga alam kung ba't pagdating sa 'kin, ang unfair ng parents ko."

They all look at me with their sad faces. I wanted to laugh dahil ang seryoso ng itsura nila, parang hindi na sila nasanay.

Immune na ako at matagal ko nang ramdam ang treatment when it comes to me at sa dalawa kong kapatid. Though I know my parents are only doing this because I'm the youngest, at wala pa akong muwang noon, and yes because they love me. Alam ko namang equal ang pagmamahal sa aming tatlo.

Back in time (On Hold)Where stories live. Discover now