Chapter 4 - Talk to her

35 10 0
                                    

Year 2008

Madaling pumasok ng gate si Jamie nang marating ang malaking bahay. Alasais pa lang ng umaga at ito ay oras ng paghahanda sa pagpasok sa eskwela.

Ngunit heto siya ngayon, nakatayo sa malaking pinto- inaabangan ang paglabas ng taong kanyang sinadya.

"Tita. Totoo po bang pupunta kayo sa Amerika? Doon na po kayo titira?"

Yumuko ang ina ni Koikoy na lumebel sa taas ni Jamie saka ngumiti ng matamis. "Nasabi na ba sa 'yo ni Koy? Ganito kasi iyon, Jamie. Pag-graduate ninyo ni Koikoy doon naman siya sa Amerika mag-aaral ng highschool. Kakausapin mo ba sana siya? Kadadaan lang dito ng service ninyo. Mamaya na lang pag-uwi niya galing school ha. Pumunta ka dito, igagawa ko kayo ng meryenda."

"Hindi po. Ayoko po. Hindi ko naman siya kakausapin e. Sige po, aalis na 'ko."

Agad na tumakbo palabas ng kanilang gate si Jamie. Nagtataka man ay napailing na lamang ang kanyang Tita Claire sa biglang pag-alis nito.

"Wala naman akong balak kausapin siya e! Wala kasi akong makalaro ng dama! Hindi pa kasi kami pinapasok!" naiiyak na sabi nito sa kanyang sarili.

Sa kaniyang pagtakbo ay nangyari ang iniisip niyang kanyang unang naging katangahan. Napatid kasi ito nang magkamali ang takbo ng kanyang kaliwang paa.

"Ikaw si Jamie. Matapang sa school at hindi lampa. Pero bakit ba ka nadapa!" ngayon ay bumuhos ang luha nitong pinaghihinagpisan ang sarili.

Mabilis na lumipas ang araw at nalalapit na rin ang kanilang pagtatapos sa elementarya. Nag-eensayo sila ngayon para sa kanilang pag martsa, at nai-anunsyo na rin ang may mga karangalan.

Pumangalawa si Koikoy sa may mataas na karangalan na tinatawag nilang Salutatorian. Kaya naman tuwang-tuwa maging ang ina ni Jamie na dumalo ng pagsasanay.

"Gersalino, Jamie Francisco. Fifth Honorable Mention," banggit ng guro sa pangalan ng pinarangalang si Jamie.

Praktisadong umakyat ito at ng kanyang ina sa unang pagkakataon, dahil itong pagbibigay ng karangalan ay ngayon lang naman inensayo.

Matapos iyon ay binigyan ng oras na makapag-pahinga ang bawat estudyanteng magtatapos.

"I'm so proud of you, Koy. Napakatalino mong bata, mana ka sa Mommy mo," pagpuri ng kanyang ina sa lalaking katabi nito na tulad niya ay lumalagok ng inuming zest-o.

"May honor din ako Ma. Bakit si Koikoy lang kino-congrats mo?" sambit nitong tila nakaramdam ng selos dahil mula pa ng umaga nito binabati si Koikoy.

"Oh, edi congrats din sa iyo anak," anitong natutuwa sa tila pagmaktol naman ng anak na.

Parehong natawa ang kanilang mga ina ngunit napanguso na lamang si Jamie na ikinangiti naman ni Koikoy. Sa isip niya ay natutuwa itong siya ang unang binati kaysa sa kaibigan.

Makaraan ang ilang oras ay nauna nang umalis ang mga kananayan na pinasalamatan ang kanilang paglaan ng maikling oras. Naiwan ang mga mag-aaral para sa isa pang pag-eensayo ng kanilang graduation song.

Habang naghihintay ay tahimik na naupo sa sementong kinalalagyan ng isang puno si Jamie. Naghihintay sa anumang sasabihin ng kanilang guro. Habang ang iba nitong kaklase ay nag-uusap patungkol sa susunod nilang tatahakin na lebel.

"Hoy! Bakit hindi ka namamansin. Nireregla ka na ba? Ang sungit mo kasi e. Sabi ni ate Janine gano'n daw kapag nireregla ang mga babae."

Back in time (On Hold)Where stories live. Discover now