Chapter 8 - Leave

26 4 0
                                    


Agad kong pinigilan ang kumakawalang pagtawa ko ngunit hindi ko rin nagawa dahil humagalpak na talaga ako sa pagtawa.

"Sorry," I said as I saw her glaring at me.

Jasmine just look at her and smirk. "2 weeks na lang si Nanay dito."

"2 weeks?!" pareho naming sigaw ni Janine.

"See, nagkukwento ka agad pero hindi nalalaman ang lahat."

"I'm sorry okay. Well, alam ko kasing si Jamie mas maaapektuhan nito e. And she's with Koy last night, so might tell to both of them. Pero I saw..." Janine stops when she look at me. Signaling her to not tell Jasmine. Naunawaan  naman niya iyon.

"Yeah, I saw a sign na hindi kagabi ang right time to tell her, kaya kanina na lang."

Nangisi ako sa palusot niyang iyon pero hindi ko na ipinakita kay Jasmine. I'm having this feeling na ayaw malaman niya ang nangyari sa amin kagabi.

"So, nagkausap na kayo?" She suddenly asked.

Muli, napatingin ako kay Janine. Sinasabi rin ng isip kong huwag pagkatiwalaan si Janine sa bagay na ito but she keeps the last night's happening to her self, so could I?

"Mm, nagkausap kami. We said our sorry na," I stated looking only at Jani.

"Kyler said na hindi naman siya galit sa iyo. He just don't know how to react."

"S-sinabi niya 'yon?"

Tumango ito humming yes habang sinusubo ang maliit na karne.

"K-kailan?"

Jasmine looks at me for a moment. "Kahapon, nu'ng ibigay niya ang bag mo sa 'kin. Siya rin ang nagsabi na nasa girls room ka."

Ilang segundo akong natulala lang. Inalala ang pangyayaring iyon. So, he did pick my bag at nagturo kay Jasmine kung nasaan ako.

Ang pangyayaring iyon kahapon kung iisipin ay unang interaction namin na maganda, natural at hindi ako nailang. Siya rin ang unang kumausap sa akin at tumulong sa nangyari sa akin kahapon. That's a progress right?

"Did he help you?" muli niyang tanong na itinuon na ang pansin sa kanyang almusal. "I heard what happened."

"Uh, oo. Tinulungan niya ako."

Gaya ng dati ay guhit na ngiti lang ang isinagot nito sa akin. Natapos naman ang maikling almusal namin at agad ding umalis ang dalawa kong kapatid.

"Jamie, paalis ka na ba?" Mom asked nang makita ako nito mula sa taas. "Can I talk to you?"

"Mom, later na lang po. Malelate na 'ko," I answered.

Hindi ko na hinintay makababa ang Mommy at dumiretso na palabas. I know she knows na nalaman ko na.

"Kuya Abel tara na," pagmamadaling sigaw ko pa rito.

Pero bago ako tuluyang makalabas ng pinto ay nakita naman ako ni Nanay.

"Jamie, paalis ka na?"

"Opo Nay. Bye po," I said in smiles.

Agad akong pumasok ng sasakyan para makaiwas. Baka kung makausap ko lang si Nanay ay hindi ko mapigilan at iyakan ko lang siya. Nagiging iyakin pa naman na ako lately.

"Jamie, uh si Kyler oh."

Napalingon ako agad sa itinuro ni kuya Abel. Si Koikoy nga ito na nakatayo at nakapamulsa sa tawid na nasa silong ng isang puno.

Back in time (On Hold)Where stories live. Discover now