06

766 26 0
                                    

Josh.

"Where's Justin?" Tanong ni Olivia. Napatingin naman ako sa suot niya muka siyang hahabulin ng kumot onti na lang mag pakita siya ng katawan rito sa labas eh.

"Bat mo tinatanong?" Pagmamataray na sabi ni Ken. Ever since mag kaaway na tong dalawang to eh.

"Girlfriend niya ako, duh"

"Hindi naging kayo, fubu ka lang non. Umasa ka naman." Taray na sabi ni Pablo mukang lalabas na si Ate chona sa katawan niya habang si Olivia naman ay mukang nagalit sa sinabi ni Pablo onting galaw na lang siguro neto sasabog na.

"Easy nag pa uto ka kase" Sabi naman ni Stell. Totoo naman hindi naman talaga nag seseryoso si Jah lalo na sa mga babaeng katulad ni Olivia.

Bigla na lang tumakbo si Olivia akala ko pa punta sa amin pero nilagpasan ba naman kami. Pag tingin namin kung saan siya pupunta ay nandoon na pala si Jah kaya lumapit kami sa kanya habang si Olivia ay mukang batang naka yakap sa kanya.

"Love, inaaway nila ako" Parang batang sabi ni Olivia habang dinuduro duro kami mukang batang nag susumbong sa tatay tapos kami nang agaw ng candy niya.

"Aba, nagpakita kita ka pa kase rito" Saad ni Pablo habang naka cross arms mukang galit na walang pake.

"Ang sabi nila di mo daw ako Girlfriend. Diba Girlfriend mo ako?" Tanong ni Olivia ulit. Mukang bata ampt. Ang sarap sapakin ang pagmumuka.

"Who said na Girlfriend kita? We just have a one night stand then wala akong sinabing Girlfriend kita sa pagkakaalam ko." Seryosong sabi ni Jah, napatingin naman kami kay Olivia na nagulat mukang hindi matanggap ang sinabi ni Jah sa kanya, boom tables turned. Inalis ni Jah ang kamay ni Olivia saka nag lakad palayo habang kami ay sumunod sa kanya.

"JAH! YOU'RE MINE!" Sigaw ni Olivia habang si Justin ay walang pake. Ibang klase talaga tong manok ko walang palya sa babae.

Umupo ako at minasahe ang sintido dahil sa sakit. Kung alam ko lang na malalasing ako ng sobra kanina di na sana ako nakipag 1v1 kay Stell, sanay sa laklak ng alak yun eh, nauna tuloy akong matumba.

"Arat inom mamaya" Sabi ni Ken mukang nang aasar napatingin naman ako sa kanya at binatukan. Kita niyang may hangover pa kami ni Stell nag aaya na naman, pasimuno talaga sa inuman.

"Good Morning, Class" Bungad ng Prof namin kaya agad kaming tumayo, "Today we have a long quiz"

30 minutes lamang ang ibinigay sa amin para sagutin ang question, ako naman ay naguguluhan dahil hindi man lang ako nakapagreview kanina. Kung alam ko lang na may long quiz kami ay nag pass muna ako, kaso loko tong si Ken alam pala niyang my quiz tapos gustong mag inom demonyo talaga.

Napatingin naman ako kay Pablo na nasa tabi ko lang, kinalabit ko siya kaya napatingin siya sa akin "43?" Tanong ko assual nag tatanong lang naman ako ng sagot pero kinurot niya lang ako at hindi binigay ang sagot kaya napanguso na lang ako.

----

Justin.

"Naka ilan ka?" Tanong ni Stell. 

"38 lang" Sabi ko dismiyado sa score ko.

"Buti nga 38 si josh 4 lang" Tumatawa niyang sabi at binatukan naman siya agad ni Josh.

"Kasalanan ni Ken to noh" Sis ni Josh Kay Ken.

Umupo kami at hinayaang mag order si Stell ng kakainin namin. Nasa Cafeteria kami dahil simula kanina ay wala pang laman ang mga sikmura namin puro alak. Habang hinihintay ang order namin ay may grupo ng mga babaeng pumasok napatingin naman ako sa isa nilang kasamang babae si Naomi nasa pinakalikod siya at may dala dalang gamit siya lang ang merong dala kaya siya ang nakakuha ng atensyon ko.

Umupo na yung mga babae pero si Naomi ay nanatiling naka tayo lumapit siya sa mga babae at may sinabi sa kanya ibinaba niya ang gamit sa table at pumila kung saan naka pili sa Stell.

Ilang minuto pa ang nakalipas ng bumalik si Stell hawak hawak ang inorder niya ibinigay niya sa amin yun habang ako ay nakatingin pa rin kay Naomi mukang nabibigatan siya sa mga dala tatayo na sana ako kaso hinawakan ni Josh ang pulsuhan ko.

"Dre, wag na mapapahamak ka" Babala ni Josh mukang kilala niya yung mga babae.

"Bakit?" Tanong ko at nakitang nandoon na si Naomi sa mga babaeng mukang coloring book. 

"Kasi Dre may a-" Naputol ang sinasabi ni Josh ng makita naming binato ng isang babae si Naomi ng inorder niya. Hindi na ako makapagpigil at tumayo saka pumunta sa mga babae. 

Susubukan pa sanang batuhin si Naomi ng isang babae pero napigilan ko yun ng hawakan ko ang pulsuhan nito. Mukang natakot pa sa akin dahil nanlaki ang mga mata nito napatingin naman ako kay Naomi na madumi ngayon dahil sa ginawa ng mga ito.

Binitawan ko ang babae ng padabog at lumapit kay Naomi "Ok ka lang?" Tanong ko at pinunasan siya gamit ang panyo ko. Umiiyak siya.

Napatingin naman ako sa mga babae lahat sila ay naka ngisi kaya  nag salita ako "Don't you dare to touch my Girlfriend or you'll DIE right now" Saad ko ng may diin mukang nagulat naman sila sa sinabi ko.

Hinawakan ko si Naomi sa kamay at umalis sa Cafeteria. Gosh, bakit ko ba siya ipinagtanggol, anong nang yayari sa akin?

"Wag ka ng umiyak pls?" Sabi ko habang pilit na pinapatahan si Naomi ayokong nakikitang siyang umiyak. Nasa St. La Sella Hall kami ngayon doon ko siya dinala dahil alam ko sa gantong oras ay lahat ng estudyante ay nasa Cafeteria kaya kaming dalawa lang ang narito bukod sa mga teachers na dumadaan.

"Bakit mo ko niligtas?" Tanong niya kaya napaisip ako. Naka tingin lang ako sa mga mata niya at nakikita ko lahat ng lungkot doon. Bakit nga ba?




Meet at Cafe || SB19 Justin | ✓Where stories live. Discover now