19

528 18 0
                                    

Naomi.

Halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang sasakyan namin pa puntang palawan. Isang private plane lang naman, sa loob noon ay may malawak na espasyo tapos yung mga upuan rito ay pwedeng maging kama. Kila Justin talaga ito? 

"Hoy! ante yung bunganga mo naka bukas" Sabi ni Josh at umupo sa napili niyang upuan. Lumingon lingon pa ako para mag hanap ng bakanteng upuan, marami namang upuan pero namamangha lang talaga ako ngayon.

"Dito ka na" Sabi ni Ken at tinuro ang bakanteng upuan sa tabi niya. Wala na akong choice kundi pumunta roon. Pero bago mangyari yun ay may pumigil sa akin napa tingin ako si Justin.

"No, seat here" Pormal niyang sabi. Tumingin ako muli kay Ken nakita ko namang naka ngisi siya, ng makita niya akong naka tingin sa kanya ay tumango lang siya bilang pag sangaayon.

Halos hindi ako mapakali dahil katabi ko si Justin, kung pwede lang ay hindi na ako hihinga minsan ay nililibang ko ang sarili ko sa phone pero hindi pa rin maalis sa akin ang ilang. Hindi ko man lang makausap dahil busy siya sa kinakalikot niya sa laptop niya. 

Tumgin ako sa kung anong binabasa niya sa laptop niya, mukang seryoso eh. Halos malaglag ang panga ko ng makita kong ang dami niyang binabasa pero napukaw ng atensyon ko ang title ng binabasa niya "How to court a girl?" Basa ko rito pero sa isip lang.

Halos matawa ako sa binabasa niya buti na lang talaga at naka headset siya. Hindi ko na lang pinansin yon at natulog na lang, halos isang oras raw ang byahe pa puntang palawan.

----

Ginising ako ni Pablo dahil nandito na raw kami. Kukunin ko sana ang maleta ko pero na unahan na ako ni Justin. Ang sabi niya ay siya na raw ang mag bubuhat, kukunin ko pa sana iyon pero naka layo na siya.

Bumaba kami at ang bumungad sa amin ang magandang lugar kahit na sobrang tirik na tirik ang araw sa lugar na iyon hindi naman alintana. May kung ano pang ginawa sa amin sa loob ng airport, chinek lang yung bag namin at requirments namin kung dayo lang kami rito. Sasakay pa raw kami ng van para maka punta sa El Nido, Palawan. 

Sumakay kami ng Van at kitang kita ko ang magandang tanawin rito sa loob. Medyo malapit lang daw ang pupuntahan namin dahil 500m away lang sa airpot ang resort nila, Jah. 

Nakarating kami sa resort nila onti pa lang ang tao don kaya medyo maluwag luwag pa ang mga rooms hindi rin ito katulad ng iba na mukang apartment, muka siyang kubo dahil sa hugis ng mga rooms. 

Ka room mate ko si Ate Xi dahil nga kami lang ang dalawang babae rito. Medyo weird dahil hindi naman kami laging nag kikita sa school. I just meet him once nung may party sa bahay nila, Justin at wala ng sumunod.

Nag book na kami ng isang room para sa amin habang sila Ken at Josh ay mag kasama sa isang room, si Pablo at Stell naman ay mag kasama rin sa isang room at syempre ang may ari ng pag tutuluyan namin ang may sarili na siyang room.

Mag kakalapit lang ang pinili naming room para mabilis lang maka katok sa kabilang room. Binuksan ni Ate Xi ang room namin ng makita naming malawak ang room ay sobrang saya ko, mas maayos pa 'toh sa room ko. May dalawang kama na rin at sala. May Cr at kusina rin sa loob, mas lalong natuwa ako dahil may balcony kung saan kitang kita ang magandang tanawin.

"Ok na ba sayo 'toh?" Tanong ni Ate Xi habang naka ngiti. Nilibot ko ulit ang tingin ko sa loob ng room at masayang bumalik ang tingin kay Ate Xi tumango lang ako ng parang bata. Matagal ko ng gustong mangyari 'toh.

Meet at Cafe || SB19 Justin | ✓Where stories live. Discover now