18

563 21 0
                                    

Naomi.

Maaga akong pumasok dahil may usapan kami nila Ken na may pag uusapan raw sa kung ano. Dali dali kong binuksan ang locker ko dahil naalala kong nandoon yung jacket na pinahiram ni Justin sa akin nung nakaraang linggo ng pumunta kaming baguio. 

Pero imbis na yung jacket niya ang tumambad sa akin ay isang rose at chocolate ang nandoon. May pa sulat pa.

"Dear, Naomi.

I know this is the dumbest way to tell you that I like you so much, I really don't know kung bakit ba kita na gustuhan haha, even tho hindi mo ako kilala well you're not sure about it. By the way the man who massaged you and me are same person :] "

"Hoy" Nagulat ako sa biglang pagsulpot nilang lima sa harap ko. Tinignan ko sila ng masama at binalik ang tingin sa binabasa. Ang jeje naman nito, pwede namang harap harapan bakit may pasulat sulat pa, secret admirer?

Tumingin ako sa rose at chocolate. Kinuha ko na rin baka sabihin pa nung Secret Admirer ko ay diko pinahahalagahan yung binigay niya kasama ko ng kinuha yung jacket ni Justin mamaya ay ibibigay ko na sa kanya. Tumingin ako sa kanya pero nag iwas rin siya ng tingin, ang weird naman nito.

"Secret Admirer?" Tanong ni Ken at kinuha ang chocolates sa akin mukang gustong kainin. Tumango ako at hinayaan siyang buksan yon, hindi rin naman ako mahilig sa chocolates.

Nasa cafeteria kami ngayon, hindi ko nga alam kung anong pag uusapan namin mukang interesado ang lahat, maliban kay Justin na seryosong naka tingin sa phone, marami sigurong problema 'tong lalaking 'toh kaya nakakunot lagi ang noo.

"Anong bang paguusapan?" Tanong ko kung alam ko lang na matititigan lang kami rito ay tinulog ko na lang ang oras na 'toh. Eh paano 6:21 am kami pa lang ang estudyante sa cafeteria mukang wala pa nga yung mga nagluluto.

Hindi sila sumagot at sumipsip na lang ako ng kape. Mukang may hinihintay pa ang mga mokong. Wala naman nag inform sa akin na may kasama kami sa pag uusap.

"ok, finally closed, let's go" saad ni Justin at tinignan kaming lahat, napakunot naman ang noo ko. Closed ano raw? 

"YEHEY!" Sigaw nilang lahat.

"Huh? Anong meron?" Naguguluhan kong tanong. Ako lang atang hindi iniiform netong lima. Palibhasa ako lang yung babae.

"Swimming, may bagong bukas na resort sila, Jah. Tapos niyaya ko siyang pumunta tayo doon" Sagot ni Josh. Niyaya eh, sila Justin may ari ng resot, dapat siya ang mag aaya sa amin.

----

Ngayon ang alis naming pito. Kasama namin si Ate Xi para raw may kasama akong babae. Nag aayos ako ng gamit ngayon isang linggo rin kaming mawawala, kaya maleta na ang dinala ko. 

Halos magulat ako ng marinig kong may nag doorbell sa labas ng bahay namin. Dali dali akong bumaba para alamin yun, hindi naman ako na inform na may darating na parcel yung kapatid ko ngayon. Pero imbis na si manong driver ng lazada ang tumambad sa akin ay yung anim.

Ang angas nilang tignan lahat ata sila ay naka black, mafia yarn? Napatingin naman ako sa sirili ko ng makita kong naka pangtulog pa ako, wala pang ligo. Diba mamaya pa alis?

"Hindi ka pa naka bihis?" Tanong ni Ken sa akin. Hindi ba halata?

"Bakit mamaya pa naman alis, diba?" Tanong ko wala na naman bang nag inform sa akin na ngayong oras ang alis?

"I just massaged you" Singit ni Justin kaya dali dali kong kinapa ang bulsa ko buti na lang nandoon yung phone ko. May massaged nga 5hrs ago.

Justin De Dios

Justin:

We'll leave at 8:21 am, changed time


"Pasok muna kayo" Sabi ko at pinapasok silang lahat habang ako ay natataranta buti na lang at gising na yung kapatid ko binulungan ko na lang siya na mag handa ng juice.

"Maligo ka na, mahuhuli tayo" Sabi ni Stell mukang inaantok pa.Tumango ako at umakyat para mag bihis, buti na lang talaga ay tapos na ako sa maleta ko. 

I just wore 's Giacca smoking jacket over a cropped white top and styled it with Saint Laurent's virgin wool wide-leg pants. Malamang black rin para lahat black, and of course yung pinaka mahal na yung sinuot ko baka kasi pag sinuot ko yung simpleng outfit ko ay pag kamalan pa akong yaya nilang lahat. Sa ganda kong 'to yaya?

Nag blower na lang ako para mabilis matuyo ang buhok ko tapos nilagyan ko na rin ng simple make up yung muka ko. Bumaba akong may dala dalang maleta di naman ganon kalaki sakto lang. Nakita ko rin na nandoon sila mama at kapatid ko mukang nagi-interview dahil seryoso. 

"Ma" Singit ko at nag ok sign lang ako. Means mababait sila. Tumango naman si Mama at ngumiti. 

Meet at Cafe || SB19 Justin | ✓Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz