44

468 14 0
                                    

Justin

Dumertso kami sa bahay nila Naomi para sabihin yung tungkol sa amin sa Mama niya. Naka upo ako ngayon sa sala nila habang si Naomi ay umakyat dahil may kukunin daw.

Ilang sandali pa ng bumaba si Naomi kasama ang mama at naka babatang kapatid niya. "Hello po" Kinakabahan kong sabi.

"Alam ko na yang sasabihin niyo, nakita ko post ni Josh" Napatingin ako kay Josh at nakita ko siyang umiwas ng tingin habang sumisipol. Ang daldal talaga.

"Uhm, yes po. We're planning to buy a condo for us po" I said hindi ko alam kung maiintindihan niya yun, hindi naman kasi ako sanay na mag paalam ng tagalog. My mom and dad always teach me on english, kaya siguro minsan bulol ako mag salita.

"Condo agad? Di ba pwedeng sa collage na lang kayo mag ganyan ang baba-bata niyo pa" Mukang tutol ang nanay ni Naomi. Well she had a point, mukang di pa nga naman namin kaya mag sarili lalo at senior high school pa lang kami.

"Sige po pag collage na lang" Payag kong sabi tutal isang taon na lang naman bago maka tapos kami ng senior high.

May iba pa kaming pinag usapan kaya medyo kilala ko na si Naomi, puro kasi tungkol sa kanya ang pinag uusapan namin ng nanay niya habang siya nandoon sa kusina tinutulungan kapatid niya mag luto. Paminsan minsan sumisigaw dahil puro kahihiyan ang sinasabi ng mama niya sa akin.

"Alam niyo ba. Yang batang yan kung ano anong ginagawa sa sarili. Dati nag gupit ba naman ng bangs ng sarili kaya ayun hindi man lang umabot sa kilay niya" Tawang tawang sabi ng mama niya, kaya nakitawa na rin kami.

"MA!!" Sigaw ni Naomi mula sa kusina mukang narinig niya na naman yung pinag uusapan namin.

"May tubig po ba?" Sabi ko.

"Ah, sa ref iho kumuha ka na lang" 

Tumayo ako at pumuntang kusina para tignan talaga ang ginagawa ni Naomi. Nakita ko siyang naghihiwa ng karne habang yung kapatid niya naman ay may niluluto na kung ano. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng patalikod.

"Ay, palaka" Gulat niyang sabi ng pag yakap ko sa kanya. "Kala ko naman kung sino" Sabi niya habang tumatawa mukang nakilala ako ng hindi man lang siya tumingin sa akin.

Naka yakap lang ako habang may ginagawa siya dito sa kusina minsan ay tinuturuan niya ako kung paano mag luto.

"Mali, ganto oh" Sabi niya at pinakita sa akin kung paano mag mag hiwa. Kanina pa akong nag hihiwa pero di ko pa rin ma gets yung ginagawa niya.

"Eh, hindi ko naman hobby yan eh" Sabi ko at ngumuso. Hindi ako marunong mag luto kahit nga ata pag saing ay di ko alam, we have maids kaya sila gumagawa non para sa akin.

"Palibhasa mayaman ka" Sabi niya at siya na lang nag tuloy ng pag hihiwa ng karne. Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan siyang busy mag luto.


Meet at Cafe || SB19 Justin | ✓जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें