49

468 12 1
                                    

Naomi

"Ikaw ang mag pre-present mamaya sa meeting" Rinig kong sabi niya kaya agad na nalukot ang muka ko. 

"Ako?" Tanong ko habang tinituro ang sarili, baka kasi may iba siyang kausap sa phone o kaya sa laptop niya kase tutok na tutok siya doon.

"You heard what I said" Sabi niya at tumingin sa akin ng deretso. Mukang ako nga yung tinutukoy ni Justin. "This is the chance, Naomi. Ipakita mo sa kanila kung gaano ka galing" Sunod niya pang sabi.

"Eh, di naman ako sanay sa meeting na yan eh" Sabi ko pa.

"Just ready your self" Sabi niya at tumingin ulit sa laptop. Hindi niya na talaga binawi lahat ng salita niya mukang, gusto niya talaga akong mag present sa harap. Nandoon pa man din yung mga magulang niya.

"Kaya ko ba this?" Bulong ko sa sarili ko.

Umuwi muna ako sa bahay at nag pasundo kay Tatay Noel ang driver namin ni Justin. Kanina pa ako kinakabahan simula nung sinabi ni Justin na ako daw ang mag pre-present sa harap ng meeting. Ang dami daming iba dyan tapos ako pa na pili.

Mamaya pang 3:30 ang meeting kaya naligo na muna ulit ako at nag bihis tutal malapit lang naman ang company nila Justin dito.

I just wore a white top polo and brown pants patterned with white shoes and brown blazer. I wore make up pero mild lang baka kasi masira agad ang muka ko dahil araw araw kong ginagamit ang make up na 'to.

Umalis ako sa bahay at nag pahatid ulit kay Kuya Noel. "Ma'am bakit po kayo kinakabahan?" Mukang napansin niya kanina pa ako ganito.

"Ah, wala kuya. Meeting lang." Sabi ko at nilibang na lang ang sarili sa phone ko.

Ilang minuto pa ng maka rating kami sa company. 3:13 na kaya nag madali akong bumaba at nag elevator may bumabati sa akin pero nilalagpasan ko na lang dahil ma la-late na ako sa meeting. Binuksan ko ang pinto ng conference room at buti na lang wala pa. Kaya pumunta muna ako sa office ni Justin na malapit lang doon.

"Oh, buti naman nandito ka na. Let's go ikaw na lang hinihintay doon" Sabi niya at kinuha ang coat niya at sinuot. Ha? Pero wala pa naman sila doon ah?

Sumunod na lang ako sa kanya at nilagpasan na ang conference room. Mukang sa iba pa kami mag me-meeting.

"Bakit tayo mag ko-kotse? Kala ko ba meeting?" Tanong ko dahil nasa tapat na kami ng kotse niya.

"Sumakay ka na lang, wag ng maraming tanong" Sabi niya at pinag buksan ako ng pinto, wala na akong nagawa kundi pumasok. Umikot siya sa harap at pumasok na rin.

Ilang minuto na siguro kaming bumya-byahe may nakita na rin akong dagat kaya nag taka na ako. "May pupuntahan ba tayong site?" Tanong ko. Karaniwan kasi may resort sila kaya medyo naguguluhan na ako. Hindi naman niya sinagot ang tanong ko.

Pinark ni Justin ang sasakyan at bumaba kaya sumunod ako. Kita ko namang walang tao dito kaya kinabahan ako.

"HOY!" Sigaw ko ng mapansin kong wala na siya sa harap ko. "JUSTIN!" Sigaw ko ulit napa tingin ako sa sasakyan kung saan naka parking ni Justin pero wala na doon. Hindi kaya iniwan niya na ako dito?

Hihingi sana ako ng tulong pero ni isa ay walang tao dito, kinuha ko ang phone ko pero walang signal. Napa upo na lang ako sa buhangin at pinag masdan ang alon na malakas na humahampas.

"Mama" mahina kong sabi parang tinatawag ang mama ko. Mangiyak ngiyak na ako dito at di alam kung paano uuwi. 

"Sa t'wing puso'y nag-iisa

Mayro'ng himig na kumakatok sa pinto ng aking alaala

'Di na dapat tumitig pa sa 'yong mga mata

Ngayon, ikaw na lang ang nakikita"   Napalinggon ako kung saan nang gagaling ang kanta pero walang tao kaya kinabahan ako pero nung ma rinig ko ulit parang boses ni Stell at ni Pablo.

"Ang alaala mo'y tila bago
Sa panaginip ko ay naro'n ka" 

"At kahit pa ang mundo ay mag-iba, ako'y laging nandirito

'Di man ako para sa 'yo, puso'y 'di magbabago

Walang iba, walang iba, wala nang hahanapin pa

Pag-ibig ko'y sa 'yo, sa 'yo hanggang sa huli"

"Siguro nga'y nararapat lang ika'y limutin na

Pag-ibig ko'y isang hangin na 'di mo madarama ('di mo madarama)" Rinig ko ang boses ni Justin sa likod ko kaya napatingin ako sa likod tama nga nandito siya nandito sila.

"'Di na dapat tumitig pa sa 'yong mga mata

'Pagka't ikaw pa rin ang nakikita" Si Stell naman ang kumanta ngayon.

"Tanging pag-asa ko'y biglang naglaho

Ngunit pag-ibig ko'y 'di nawala" Napatingin ako kay Ken mukang dama niya.

"At kahit pa ang mundo ay mag-iba, ako'y laging nandirito

'Di man ako para sa 'yo, puso'y 'di magbabago
Walang iba, walang iba, wala nang hahanapin pa
Pag-ibig ko'y sa 'yo, sa 'yo hanggang sa huli" Sabay sabay na silang kumanta.

"Kung pinagtagpo, tayong dal'wa'y para sa isa't isa
At kung nasabi ko ang lahat noon ay may magbabago ba?
Sa aking bawat paghinga, dalangi'y makapiling ka
At kung ito na ang huli, nais kong malaman mo na, ooh-ooh"

"Mahal kita
Mahal kita
Mahal kita"

"Walang iba, walang iba, wala nang hahanapin pa

Pag-ibig ko'y sa 'yo, sa 'yo hanggang sa huli" 


Lumapit si Justin sa akin at tinulungan akong tumayo. "Bakit ka umiyak?" Tanong niya at pinunasan ang luha ko.

"Ikaw kasi eh"

"But Naomi." Naging seryoso ang muka niya at lumuhod sa harap ko. May kinuha siyang isang maliit na box sa bulsa niya at binuksan yun sa harap ko. Napatakip na lang ako ng bibig ng makita ko ang laman non.

"Naomi Collen Dela Vera, Will you marry me?" Tanong niya kaya tumungo ako agad, sinuot niya ang sing sing at niyakap ako. 



Ready to say goodbye?







Meet at Cafe || SB19 Justin | ✓Where stories live. Discover now