27

484 22 0
                                    

Naomi.

Naka upo ako ngayon sa bench sa may balcony at pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Maraming nang yari sa loob ng tatlong araw, naka bisita kami sa mga isla, nag swimming, at nangisda. Araw araw atang may ganap.

Bukas ng gabi ay may party kasama doon ang pamilya ni Jah at sinama na rin kami ni Jah. Ano kayang klase ano mga magulang ni Justin? Pumasok ako sa kwarto pero imbis na si Ate Xi lang ang makikita ko ay lahat sila ay nandito. May dala dala pang bote ng alak at yung isa ay walang laman.

"Bakit kayo may dala nyan?" Napa taas ang kilay ko habang tinuturo yung bote ng alak na nasa table. Binaba ko ang hawak hawak kong baso at lumapit sa kanila lahat sila ay naka puwesto na.

"Truth or Dare" Sagot ni Ken habang may kinakalikot sa phone niya. Umupo ako sa tabi ni Ate Xi at kinuhanan ng litrato silang lahat.

"Ok, Kung kanino tatapat ang bunganga ng bote siya yung tatanungin at kung kanino naman tatapan ang dulo ng bote siya yung mag tatanong. Gets?" Tanong ni Pablo. Tumango lang ako at umayos ng upo.

"Then kung hindi mo masasagot yung tanong o kaya di mo magagawa yung ipapagawa sayo isang shot at pag na sagot mo yung tanong yung nag tanong sayo yung iinom. Ok na ba?" Maliwanag na sabi ni Pablo, halatang sanay sa mga gantong laro. Mas naging exciting tuloy wala naman akong tinatagong sikreto kaya madali lang para sa akin.

Pinaikot ni Pablo ang bote at tumapat iyon kay Ken at Josh. Si Josh ang mag tatanong habang si Ken ang sa-sagot. Halatang kabado pa si Ken ng malaman niyang si Josh ang mag tatanong, eh paano malupit ang tanong ng isang toh.

"Ok, Truth or dare" Tanong ni Josh kay Ken.

"Truth na lang baka kung anong ipagawa mo sa aken" Sabi ni Ken ay sinamaan ng tingin si Josh.

"Tell me may nagugustuhan ka na ba ngayon?" Tanong ni Josh kaya nagulat si Ken pero huminahon naman siya. Tumingin sa akin si Ken at bumuntong hininga.

"Yes, I have" Sagot niya habang naka tingin pa rin ng deretso sa akin. Hindi ko alam kung bakit biglang tumibok ang puso ko ng mabilis, anong ibig sabihin non?

"Ok, next, next" Nakuha ng atensyon ko ang sinabi ni Justin mukang galit dahil malakas niyang pinaikot ang bote. Nakita ko namang naka ngisi sila Josh kay Justin mukang inaasar kaya nagalit.

Sa pangalawang pag ikot ay tumapat yun kay Pablo at sa akin. Buti na lang hindi si Josh, si Pablo ang mag tatanong habang ako yung tatanungin.

"Truth or Dare?" Tanong ni Pablo habang naka ngiti ng nakakaasar. Bigla tuloy akong kinabahan.

"Truth" Kalmado kong sagot. Kahit na kinakabahan sa loob. 

"Gusto mo ba si, Jah?" Deretso niyang tanong kaya nagulat ako. Hindi na ako nag dalawang isip at kumuha ng isang baso ng soju at ininom yun. Tinignan ko sila ng awkward at mukang nagulat sila sa ginawa ko.

"Next na nga" Awkward na sabi ko at pinaikot ang bote sakto naman yon na naka tapat kay Justin habang si Stell naman ang magtatanong. Napa tingin tuloy ako kay Stell na naka ngisi ngayon mukang may balak na masama.

"Truth or Dare?"

"Dare" Walang ganang sagot ni Justin, mukang walang pake.

"Kiss the some one you like" Sabi ni Stell at nakipag apir kay Josh. Sabi na eh may balak talaga ng masama, muka pa lang alam na. Muli akong tumingin kay Justin na naka tingin ngayon sa aken, gosh wag mong sabihin ako.

Onti onti siyang tumayo habang naka tingin pa rin sa akin, napa lunok ako ng ilang beses hndi ako maka galaw, na pansin ko na lang na nasa harap na siya. Tinignan ko ang mata niya ng makitang naka tingin iyon sa labi ko, pero imbis na halikan niya ako sa labi ay hinalikan niya ako sa noo.

Pagkatapos noon ay hindi ako makagalaw, gusto kong mag salita pero walang lumalabas na words sa bibig ko para akong statwa na humihinga. Gosh, sana lamunin ako ng lupa ngayon!



Meet at Cafe || SB19 Justin | ✓Where stories live. Discover now