33

429 15 3
                                    

Naomi.

Hindi ako mapakali habang naka upo sa sala kasama silang lahat kanina pa na ngangatog yung tuhod ko feeling ko kahit anong oras eh pwede akong mahimatay. Bakit ba kasi ako nandito?

"Ok ka lang?" Tanong ni Ken habang naka tingin sa harap namin kahit anong oras pwedeng lumabas sa malaking pinto na yan ang magulang ni Justin kaya di kami maka tingin sa iba. Ang sabi kasi pag bumukas ang pinto tatayo agad bilang pag galang.

"Oo ok lang ako" Sabi ko habang pinagpapawisan ang mga palad.

"Don't worry di naman na ngangain yung magulang ni Jah" Pag bibiro ni Josh habang naka tingin rin sa malaking pintuan. Tss maka sabi siya halatang kinakabahan rin dahil hindi mapakali paa niya.

"Ang tagal naman" Iritang sabi ni Pablo habang naka tingin sa phone, siya lang ata yung hindi kinakabahan sa amin eh halos kaming lahat ay kanina pa kabado. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang mga magulang ni Justin. Kaya napa tayo agad ako.

"Iha, ok ka lang ba? Pinagpapawisan ka oh" Tanong ng Mama ni Justin habang naka tingin sa akin. Kanina pa po ako pinag papawisan kung alam niyo lang.

"Ah, I'm ok lang po madam" Magalang kong sabi habang pilit na ngumti.

"No, don't call me Madam, call me Tita na lang" Nagulat ako ng bigla niyang sabihin yun at ngumti sa akin. Akala ko masungit mga magulang ni Justin kasi yun yung mga sinabi nila Stell sa akin eh.

"Iho, may girlfriend ka na ba" Napunta ang atensyon ng lahat ng biglang tanungin ni Tita si Justin. Muntik pang mabulunan si Justin ng mag tanong ang Mama niya sa kanya, araw araw namang may girlfriend yan eh.

Pinunasan ni Justin ang bunganga niya at umiling "I don't have" Pormal niyang sabi at tumingin sa akin kaya napa iwas ako ng tingin sa kanya.

"How about you, Naomi? Do you have a Boyfriend?" Tanong ni Tita habang naka tingin sa akin at naka ngiti.

Umiling lang ako at ngumiti "Wala pa po" Napakamot na lang ako ng batok.

"Alam niyo. Kayong dalawa bagay kayo! Right?" Nagulat kami ng biglang sabihin yun ng Mama ni Justin, mukang nagulat din si Justin dahil uminom siya ng tubig. Habang yung mga mokong eh, nag oo na lang mukang pinagtritripan kami dalawa ni Justin. Yare talaga kayo sa akin mamaya.

"BAGAY TALAGA SILA! MAY GUSTO NGA PO SI JAH KAY NA-" Hindi natuloy ni Josh ang sasabihin niya ng bigla siyang binato ni Justin ng tinapay sa muka kaya nag tawanan na lang kaming lahat.

"Really? you should date her anak" Seryoso ka po dyan, Tita?


Meet at Cafe || SB19 Justin | ✓Where stories live. Discover now