29

442 15 0
                                    

Josh

"Hoy, gumising ka na dyan!" Bulyaw ni Stell sa akin pag katop palu-paluin ako ng unan. They want to have a morning swimming. Narinig kong sumara ang pinto ng kwarto ko kaya tumayo na ako at nag unat saka nag hilamos.

Ng maka labas ako ng kwarto ay nandito na silang lahat pati sila Ate Xi ay naka handa na, ako na lang ata ang hinde. Pumunta ako sa counter table sa kitchen at nag timpla ng gatas. I didn't drink coffee a lot, umiinom lang ako kung malamig ang panahon.

Ng maka balik ako ay kapansin-pansin rin na hindi nag papansinan si Ken at Justin. Mukang kagabi pa nag aaway itong dalawa pag tapos ng laro namin, nag kaaminan na kasi kagabi. Umupo ako sa tabi ni Justin at sinako siya ng malakas para mapunta ang atensyon niya sa akin.

"Bakit?" Walang gana niyang sagot sa akin, mukang inaantok pa. 

"May prob?" Tanong ko at humigop sa gatas na tinimpla ko. Wala siyang sinagot at umiling lang mukang ayaw pag usapan. Eto ata problema neto, pag may problem ayaw pag usapan, paano naman ma so-solve yun kung ayaw niyang sabihin?

Pinabayaan ko na lang siya doon at pumunta ng kwarto at nag bihis. Kinuha ko na rin ang phone ko para i check ang time, 6:43 pa lang ng umaga. I just wore a black long sleeve shirt and black pants  patterned with white slippers. 

Lumabas kami sa kwarto, hindi pa gaano ka liwanag kaya medyo malamig pa. Agad ko namang kinalabit si Naomi para kuhanan niya ako ng picture. She just wore white dress at white sandals.

"Picturan mo ako dali" Sabi ko at hinila siya malapit sa dagat. Kahit ayaw niya.

"Pwede namang si Jah na lang ang mag picture sayo ah" Reklamo niya habang tinitignan ko ang mga picture na kinuha niya sa akin.

"Wag na, mukang badtrip eh" Ngumsi ako at tumingin sa kanya, nag iwas naman ng tingin tong babaeng toh. "By the way, pupunta ka ba mamaya?" Tanong ko.

"Malamang" Sagot niya habang naka tingin sa harap.


Meet at Cafe || SB19 Justin | ✓Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα