12

593 20 0
                                    

Ken.

"Parang sira 'to si Ken. Bakit ka ba nakangiti dyan?" Napukaw ng atensyon ko ng may biglang nag salita sa tabi ko. Si pablo lang pala, mukang kararating lang dahil inaayos pa ang bag. Inagaw niya ang cellphone at mukang binabasa ang convo namin ni Naomi.

"Tinotoo mo talaga?" Sabi niya habang naka tingin pa rin sa phone ko.

"Oo, malay mo lang naman" Nagbabakasakali lang talaga ako malay mo lang naman ay siya ang makapag pabago kay Justin.

"Siraulo ka talaga, mag aaway lang talaga kayo ni Justin dyan" Sabi pa ni Pablo bago binalik sa akin ang phone ko inirapan ko na lang siya at hindi pinansin. I have a better plan, Pab trust me.

Si Justin ang pinakahuli sa amin dumating, muka pa ngang binaksakan ng langit at lupa dahil sa itsura mukang wala pang tulog dahil sa project niya. Natawa na lang kaming apat ng makita naming nakatulog na siya sa klase buti na lang at hindi siya nakikita ng prof namin dahil nasa pinaka likod kami.

"Jah, gising na" Pilit na ginigising ni Stell si Justin na tulog na tulog, paano buong klase siyang tulog. Recess na kaya ginigsing namin siya.

"HOY! MR. DE DIOS WHY ARE YOU SLEEPING AT MY CLASS!" Pamemekeng sabi ni Josh. Nag papanggap bilang prof namin kaya naman dali daling tumayo si Justin mukang naalipungatan dahil sa sigaw ni Josh.

Nagulat siya ng makitang si Josh ang nasa harap kaya naman nakatanggap si Josh ng isang malakas na batok kay Justin.

Nasa Cafeteria kami at si Justin ay abalang naka tingin sa phone niya mukang busy. Habang si Stell ay nag order ng kakainin yung dalawa naman ay nag tatalo kung paano ang Math namin. Napa tingin ako sa likod ni Justin ng makita si Naomi na busy sa pag aayos ng paper works habang naglalakad.

"NAOMI!" Sigaw ko kaya nakuha ko ang atensyon ng lahat. Napatingin siya sa akin at kumaway, sumenyas ako na pumunta siya rito kaya naman pumunta siya. Napatingin ako kay Pablo na nasa harap ko dahil siniko ako at sinamaan niya pa ako ng tingin.

"Hi" Awkward na sabi ni Naomi sa amin. Napangiti ako at lumapit sa kanya. Nasa likod lang siya ni Justin ngayon,.

"Can you join us to eat?" Tanong ko kaya nakuha ko ang atensyon ni Jah. Napalinggon siya sa aming dalawa at mukang nagulat na nakita si Naomi sa likod niya, mukang di niya napansin dahil busy siya sa cellphone niya.

"I don't take the word no for granted" Sabi ko at ngumiti sa kanya muka kase siyang nag dadalawang isip sa tinatanong ko. "Come on, Noami. Kahit ito lang yung thank you mo sa pag hahatid ko sayo" Sinasadyang sabihin ko ang salitang yun mukang nagulat pa si Justin. Nanlaki ang mata ni Justin at hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Wow, hinatid mo siya, Ken?" Tanong ni Josh mukang nakikisabay sa trip ko.

"Yeah, I pick up her in there house" I proudly said.

"Fine" She answered. Inalalayan ko siyang umupo sa tabi ko at katapat niya si Justin. Plinano ko talaga ito.

Dumating si Stell at mukang nagulat na kasama namin si Naomi kumain "Hi" Bati ni Stell kay Naomi. Nginitian siya ni Naomi at nag simula na kaming kumain. Panay pa ang picture ko kay Naomi habang kumakain siya kaya minsan ay tinatakpan niya ang camera. 

Napapatingin ako kay Justin mukang seryoso siyang naka tingin sa amin at mukang nag seselos. Akala ko ba wala kang gusto kay Naomi, huh.



Meet at Cafe || SB19 Justin | ✓Where stories live. Discover now