CHAPTER 06 - TAGAYTAY

177 3 0
                                    

~CONTINUE~

Huminto kami sa tapat ng hotel??!

Bakit kami pumuntang hotel???

Tinignan ko naman siya "Bakit nasa hotel tayo?" Takang tanong ko

"You'll find out" Tsaka siya bumaba kaya naman bumaba na ako, inabot niya susi sa lalakeng nasa labas "Ikaw na bahala riyan" Sabi niya sa lalake

"Yes sir" Tsaka ito nag bow

"Sumunod ka lang sakin" Tinignan ko naman siyang nag simula ng mag lakad kaya naman sinundan ko siya tulad ng sabi niya, Pag kapasok namin may dalawang babaeng sumalubong sa kaniya at nag bow rin

"Goodmorning Sir. Watson" Sabay na sabi ng dalawang babae

Tss matinik rin naman pala siya sa babae siguro may dinadala siyang babae rito?

Nakita kong umatras si Axel at pinantayan ako tsaka bumulong "Wala akong dinadalang babae rito ikaw lang" Pag kakasabi niyang 'yon ay dumiretso siya sa receptionist, napansin ko naman ang dalawang babae na nag bubulungan "Lets go" Aniya ni Axel kaya naman sumunod na lang ulit ako sa kaniya, habang nag aantay kami sa elevator nasa likod naman niya ako at tiningala siya mula sa likod

Matangkad pala siya

Lumihis pa ako sa gilid para maharap ko ang likod niya gusto ko lang malaman height ko pag siya ang kasama ko hehe sumenyas naman ako sa ulo ko at pinapantay sa likod niya, Hindi kona na nagawang alamin dahil tumunog na 'yong elevator kaya naman umayos ako at medyo pumantay sa kaniya

"Goodmorning Sir. Watson, Welcome back po" Nakangiting sabi ng lalakeng naka tayo ngayon sa loob at naka uniporme

"Goodmorning" Seryosong bati ni Axel

"Goodmorning po hehe" Nakangiti kong sabi sa lalake, Tinitigan lang ni Axel 'yong lalake

Hindi ba kami sasakay??

"Ay sorry Sir" Nagulat nitong sabi tsaka lumabas sa elevator at ro'n ay pumasok na si Axel kaya naman sumunod ako, Bago pa mag sara ang elevator nag bow naman yung lalake samin

Bakit kaya siya kilala rito sa hotel?? Ang sabi naman niya ay wala siyang dinadala rito e, bakit nga??

"Ako ang may-ari nito" Nagulat naman akong napatingin sa kaniya kahit nakatalikod siya ramdam ko ang pagiging seryoso niya, lagi naman yata "At tigilan mo mag isip na may dinadala akong babae rito" Matapos niyang sabihin 'yon ay tumunog na ang elevator nasa fifth floor na pala kami hehe kaya sumunod na lang ako sa kaniya ulit hehe, Ibinigay naman niya sakin 'yong susi, Nang makarating na kami sa pinaka dulo

"Dito ka at dito ako" Nasa right ang room ko ang kaniya naman ay nasa left "Kumatok ka lang pag may kailangan ka, pumasok kana at maligo tsaka mag pahinga" Tumango naman ako

"Hmm iyang sugat mo hindi mo ba ipapagamot?" Tanong ko dahil 'yong mga babae ro'n sa babae e hindi siya inasikaso

"Ako na ang bahala sa sarili ko isipin mo ang sarili mo" Seryosong sabi niya kaya naman tumango ako tsaka pumasok na sa loob

"Grabe ang ganda naman rito" Tumungo ako sa bintana at ang ganda ng tanawin rito "Maliligo ako pero wala akong damit?" May kumatok naman mula sa pinto ko kaya agad ko itong binuksan

"Ma'am Heto po ang susuotin niyo sabi ni Sir sakin" Nakangiting sabi ng babae, kinuha ko ito at nag thank you tsaka ko nilock 'yong pinto

CHANGING MYSELF BECAUSE YOU HURT MEWhere stories live. Discover now