CHAPTER 09 - FEELINGS

138 4 0
                                    


•NEXOS COLLEGE UNIVERSITY•

GIANNA POV
   Habang nag lalakad ako rito sa hallway medyo sabog pa ako dahil mukang may tama pa ako sa ulo

"Sobrang sakit ng ulo ko" Bulong ko

"Here" Sambit ng pamilyar na boses si JENKINS, Inabot niya 'yong Cappuccino

"Thank you" Nakangiti kong sabi sa kaniya

"Welcome, una na ako sa 'yo ah see you around again" Nakangiti niyang sabi at umalis na

Grabeng timing niya saktong masakit ulo ko

"See you around again ha" Tsaka ako inakbayan ni Raelyn "Hindi ko alam na close na pala kayo ni kins" Nakangiti niyang sabi

"Hindi kami close twiny sakto ang timing niya dahil masakit ulo ko" Sagot ko naman sa kaniya

"Kamusta pala ang tagaytay niyo ni kuya?" Nakangiti na naman siya

"Masaya naman hmm nag Jet Ski nga kami tapos nag swimming taposss..." Hindi ko na itinuloy 'yong sasabihin ko dahil naalala ko na naman 'yong kiss namin ni Axel

"Tapos??" Takang tanong nito

"W-wala ah" Nauutal kong sabi nakita ko naman ang pag ngiti niya ng nakakaloka

"Wala?? Parang meron" At nag simula na nga siya

"Wala nga, wag makulit twiny" Aniya.

Habang kinukulit niya ako napahinto naman agad kami ni Raelyn dahil nasa harapan namin si Axel at may hawak na Cappuccino Coffee, Napatingin naman siya sa hawak ko

"Ibibigay mo ba sa 'kin 'yan?" Nakangiti kong tanong

"Hindi, Para kay Raelyn 'to" Seryosong sabi niya kaya naman medyo nalungkot ako

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Raelyn

"Oo, Bigay ko raw to sabi ni mommy" Matapos niyang ibigay tsaka ito umalis

"Hindi naman obvious si Axel" Nakangiting sabi ni Raelyn

"What do you mean twiny?" Takang tanong ko

"Sus, Obvious siya na sa 'yo ito kaso nakita niyang meron ka na kaya ibinigay na sa akin, excuse lang niya si mommy tita" Paliwanag naman nito

"Hindi ko iyon napansin" Seryosong sabi ko tsaka ako ininom itong Cappuccino

"Sus wag ako twiny nakita rin kitang nalungkot HAHAHAHA" Natatawang sabi niya

"Wag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano" Aniya.

"Okayyyy" Kinikilig nitong sabi

Makarating kami sa room bigla akong sinampal ng isang estudyanteng babae

"What the heck!!" Sigaw ni Raelyn at nakita ko agad niya itong sinampal "Sino ka para sampalin ang kaibigan ko" Madiing sabi niya

"Hala away na naman"

"Anong problema ni Joan"

"Bakit nananampal bigla!"

"Grabe sampalan ang labanan"

"Raelyn wag kang mangingialam rito!" Inis na sabi ni Joan iyon kase narinig ko

"At bakit?" Taas kilay nitong sabi, hinawakan naman ako ni Raelyn at hinila ako papalapit sa kaniya

"Dahil sa kaniya hindi na ako gustong balikan ni Axel!" Kumunot naman ang noo ko mag sasalita sana ako kaso naunahan ako ni Raelyn

CHANGING MYSELF BECAUSE YOU HURT MEWhere stories live. Discover now