CHAPTER 25 - THIRD WHEEL

109 2 1
                                    

AXEL POV
Maaga akong nagising dahil maagang nagising si Gianna dahil uuwi pa siya sa kanila, Sabi ko ihahatid ko na siya pero hindi pumayag kase raw maaga pa exam ko kaya hindi na lang ako nag pumilit baka mag-away pa kami

Dumiretso ako sa kusina para kumain naabutan ko naman naman si Daddy na kumakain na

"Goodmorning Dad" Bati ko kay Daddy

"Goodmorning Anak" Bati naman sa akin ni Dad "Nasaan po si Mommy?" Tanong ko

"Maagang umalis dahil may business meeting daw siya sa tagaytay" Sagot ni Dad kaya tumango na lang ako at nag simula ng kumain "Ngayon pala ang exam niyo?" Tanong ni Dad

"Opo" Sagot ko

"Goodluck pag butihan mo" Ngumiti naman ako Dad, Matapos kong kumain ay dumiretso na ako sa Cr para maligo

GIANNA POV
Nang matapos kong maligo ay bumaba na ako papuntang kusina para kumain

"Goodmorning Umma, Appa" Masayang bati ko sa kanila tsaka umupo

"Goodmorning Anak" Nakangiting bati sa akin ni Mommy

"How's your date?" Tanong sa akin ni Dad

"Super Enjoy Appa" Sagot ko tsaka kumain na

"It's good to hear na nag enjoy ka" Tumango naman ako, Matapos kong kumain ay nag paalam na ako

•NCU•

Pag ka park ko mg kotse ay agad akong pumasok sa loob ng NCU, Hindi kalayuan ay nakita ko si Axel na Naghihintay sa hallway, Kaya naman lumapit ako sa kaniya

"Anong oras na bakit nandito ka pa sa labas?" Tanong ko sa kaniya

"I'm waiting for my love" Ngumiti naman ako sa kaniya, hinawakan naman niya ang kamay ko at nag lakad

"Ang bilis mong pakiligin ako 'no" Tumingin naman siya sa akin at ngumisi

"Ako lang to Love" Hinampas ko naman siya bigla pero tumawa lang siya "Napipikon ka na naman" Dugtong pa niya

"Napipikon mo na ako tapos napapakilig mo pa ako, Ang angas mo naman" Tsaka ko siya inirapan

"Gano'n talaga pag guwapo ang boyfriend mo" Kahit kelan 'tong boyfriend ko masyadong mayabang, Nang makarating na kami sa room nila

"Galingan mo sa Exam" Sambit ko sa kaniya at binigyan ng fighting pose

"Para sa'yo gagalingan ko" Ngumiti naman ako sa kaniya, Hinalikan naman niya ang noo ko

"After mong mag exam, Mag pahinga ka"

"Ikaw ang pahinga ko Love" Hinampas ko naman siya ng bahagya

"Ikaw talaga"

"You're blushing" Sambit niya

"Because you make me blush" Natawa naman siya ng bahagya

"Tama na 'yan!" Singit ni Kylo at inakbayan si Axel "Masyado ng busog ang mga mata ng mga estudyante" Dugtong pa niya

"Kita tayo mamaya, I love you" Sambit ni Axel habang papasok sila sa Loob

"I love you more" Feeling ko talaga pulang-pula ako ngayon, nakakainis!

Kaya naman nag lakad na ako papunta sa building namin dahil baka ma late pa ako ma detention pa ako e

CHANGING MYSELF BECAUSE YOU HURT MEWhere stories live. Discover now